Isang kuting na inabandona ng kaniyang ina, natagpuan ng isang mabuting Samaritano na siyang umampon at kumalinga sa kaniya!

Kinagigiliwan ngayon online ang kuting na si Axel. Natagpuan siya ng isang mabuting Samaritano sa ilalim ng isang trak at talaga namang tumulong at kumalinga sa inabandonang kuting.

Kitang-kita naman sa ilang mga larawan kung gaano katakot ang naturang kuting. Marahil ay hindi talaga siya sa sanay sa mga tao kung kaya naman takot na takot talaga ito.

Isang mabuting Samaritano ang nakakita sa kaniya sa ilalim ng naturang sasakyan at agad siyang kinuha nang mapagtanto nilang wala na itong kasama pa at tuluyan nang iniwanan ng kaniyang ina. Kinabukasan ay agad naman din siyang dinala sa beterinaryo upang masuri ang kaniyang kalagayan.

Nalaman nilang babae pala siya at nasa maayos din namang kondisyon. Kinailangan lang niyang magkaroon ng ilang shots para na rin sa kaniyang kalusugan.

Nasa apat hanggang limang linggo na rin mula nang siya ay maisilang. Sa ngayon ay talagang mapalad na si Axel dahil mayroon nang nag-aalaga sa kaniya.

Mayroon na rin siya kaagad na mga kapatid o kalaro tulad na lamang ng isa pang pusa at dalawang taong gulang na aso. Talaga namang napakaraming cute na larawan ni Axel.
Sinong mag-aakala na sa ilalim lamang siya ng trak natagpuan ng isang mabuting tao. Kung marami sa atin ang hahayaan na lamang ito at babalewalain, mayroon pa rin namang iilan na talagang nagmamalasakit pa rin sa kanila.

Kung saan ay mas marami pa sa atin ang mag-aampon at kakalinga sa mga hayop na ito, mababawasan ang mga kawawang aso at pusa sa lansangan. Kung kaya naman sa susunod na makakita kayo ng mga hayop sa daan, tulungan natin sila sa abot ng ating makakaya.

Dahil hindi katulad nating mga tao ay hindi nila kayang magsalita at ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Kakailanganin talaga nila ang mga taong tutulong at magmamalasakit sa kanila. Ikaw, gugustuhin mo rin bang mag-ampon ng kuting katulad nito?