Isang kawawang bata ang labis na umiiyak sa tabi ng bangkay ng kaniyang ina matapos itong masawi dahil sa hit and run!

Bawat araw, talagang napakaraming aksidente ang nagaganap sa ating paligid. Talagang hindi ito maiiwasan kung kaya naman dapat talagang mas magdoble ingat tayong lahat lalo na kung batid naman nating marami ang umaasa sa atin.

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwentong ito ng isang batang lalaki mula sa Indonesia. Dahil kasi sa hindi inaasahang pangyayari ay naulila ito gayundin ang isa pa niyang nakababatang kapatid.

Ayon sa isang netizen na nagbahagi ng larawan ng kawawang bata, ang pumanaw na ina nito ay si Lina na nagtatrabaho sa Tanjung Bunga Metro sa Makassar bilang isang cleaner o tagapaglinis. Palaging kasama ng ginang ang kaniyang anak na lalaki na tahimik na nakaupo lamang sa tabing kalsada habang ang kaniyang ina ay nagtatrabaho.

Isang araw ay hindi inaasahang maaksidente ang kaniyang ina at tuluyang nasawi. Na-hit and run ang ginang na nasaksihan pa mismo ng kaniyang kawawang anak.

Makikita sa mga larawan na ang bata ay kasama pa ng kaniyang ina na wala nang buhay sa hospital sa Makassar sa South Sulawesi, Indonesia. Talaga namang napakasakit makita para sa isang anak na wala nang buhay ang kaniyang ina.

Ang kaniyang ina na tanging kasama nila sa buhay na nag-aalaga at kumakalinga sa kanila. Sa ngayon ay wala pang linaw kung ang dalawang bata ay nasa pangangalaga pa ng kanilang mga kamag-anak o di kaya naman ay dinala na sa ampunan.

Sana ay magkaroon ng hustisya ng nangyaring ito sa mag-ina. Hindi lamang dahil napakahalaga ng buhay ng isang ina kundi dahil labis ding naapektuhan ang buhay ng dalawang batang maagang naulila dahil lamang sa kawalan ng disiplina ng isang driver!

Maging aral na rin sana ito sa ating lahat na maging responsable tayo sa pagmamaneho at huwag na huwag magmamaneho ng lasing o nakainom. Hindi lamang ito para sa ating sariling kapakanan kundi para na rin sa mga taong maaari pang maapektuhan dahil sa ating kapabayaan.