Isang kawawang aso ang inabandona ng kaniyang amo, buti na lamang at mayroong mabuting samaritano ang tumulong dito!

Marami nang lugar sa buong mundo ang nagpapatupad ng mga batas para sa mga hayop na minamaltrato at inaabandona ng kanilang mga amo. Kadalasan namang pagkain at inumin lamang ang pangangailangan ng mga alaga nating hayop.

Nasa sa atin na lamang kung bibigyan din natin sila ng mas magandang pangangalaga rito tulad halimbawa ng mga bitamina at iba pa nilang mga pangangailangan. Hindi na rin naman lingid sa kaalaman ng nakararami ang sitwasyon natin ngayon kung saan maraming mga amo ang basta basta na lamang nag-aabandona sa kanilang mga hayop.

Tulad na lamang halimbawa ng natanggap na reklamo ng Crescent Town Police sa Pennsylvania. May reklamo kasi silang natanggap na mayroong isang aso ang inabandona na lamang basta basta sa kanilang lugar.

Ayon sa concerned citizen na tumawag sa otoridad, ang asong ito ay iniwanan ng isang taong nakasakay sa isang 4-door sedan. Naghagis daw ng bola ang taong ito palabas ng sasakyan na agad namang sinundan ng aso.

Walang kamalay-malay ang kawawang aso na iniwanan na siya ng kaniyang amo matapos niyang lumabas ng kanilang sasakyan. Hindi maganda ang kalagayan ng kawawang aso dahil sa payat na payat na ito.
Mayroon din itong sugat sa kaniyang ulo.

“The officers found that the dog was in need of food and water, as well as some love.” Pahayag ng saksi.

“The dog was returned to our station, where she consumed two bowls of food and water before laying down for some much-needed rest. She was transported to their facility by our officers, where she was treated to peanut butter and some much-needed attention.” Komento naman ng isa sa mga pulis.

Ang orihinal na pangalan daw ng asong ito ay Beans ngunit pinangalanan nila itong Crescent na ngayon ay nasa pangangalaga na ng Western Pennsylvania Humane Society sa Pittsburgh. Hanggang sa ngayon ay hinahanap pa rin ng mga pulis ang kaniyang amo na nag-abandona sa kaniya.