Isang “Japanese airport luggage handler” ang pinuri ng marami dahil sa paraan niya ng paghahawak ng mga bagahe sa isang paliparan!

Noon pa man marami na sa atin ang talagang hilig ang pamamasyal sa iba’t-ibang panig ng mundo. Nakaka-relaks naman kasi talaga ang pagpunta sa mga magagandang lugar na ito lalo na kung kasama natin ang ating mga mahal sa buhay.

Ngunit hindi naman talaga mawawala ang ilang mga pagkakataon na makakaranas tayo ng hindi magagandang karanasan o aberya sa mga biyaheng ito. Unang-una na riyan ang mga problema sa mga pampublikong transportasyon.

Marami din ang nakakaranas ng aberya sa mga paliparan kung saan madalas na napapabalita ang hindi magandang paghahawak ng mga bagahe ng mga pasahero. Talaga namang nakakagalit ito lalo na kung mayroong “fragile sign” sa mga bagahe.

Madalas na nasisira ang mga maleta o bagahe dahil sa walang pakundangan na pagbabalibag ng ilang mga airport staff. Sa kabila ng mga usaping ito ay mayroon ding isang viral video na kumalat online kung saan makikita ang isang “Japanese airport luggage handler” na napakarahan sa paghawak at paggalaw ng mga bagahe.

Marami ang pumuri sa staff na ito dahil hindi katulad ng ibang mga staff ay talagang makikita ang pagmamalasakit at pag-iingat niya sa mga bagahe. Tunay nga na isa ang Japanese airlines na ito sa nagbibigay ng maayos na serbisyo sa kanilang mga pasahero.
Marami ang humanga at bumilib sa kaniya dahil talagang naipapakita niya kung gaano niya kamahal ang kaniyang trabaho.

Kahit pa nga mga bagahe lamang ito ng kanilang mga pasahero ay iniingatan pa rin nila ito ng husto. Hindi dahilan ang pagkakaroon ng maraming mga tao sa paliparan o maraming mga bagahe upang hindi nila magawa ng isandaang porsiyento ang kanilang mga trabaho.

Mayroon mang nakatingin o wala ay talagang maaasahan at makakasigurado ang mga taong nasa mabuting kamay ang kanilang mga gamit. Napakagandang-aral din ito para sa iba pang mga paliparan at mga airport staff na isapuso nila ang kanilang mga trabaho.