Isang ina mula sa Russia ang nagbawas ng 60 kilos sa kaniyang timbang, dinivorce ang nagloko niyang asawa at ngayon ay isa nang fitness blogger sa Instagram!

Sa panahon natin ngayon, talaga namang napakahirap nang magpigil na kumain, hindi ba? Lalo na nitong nagdaang panahon ng pandemya. Marami sa atin ang nasa loob lamang ng ating mga tahanan at marami din naman talaga ang nakahiligang magluto, mag-bake, at kumain.

Ngunit hindi rin natin dapat kalimutan na mahalin ang ating mga sarili lalong-lalo na ang pahalagahan ang ating kalusugan. Kamakailan lamang ay nagbigay inspirasyon sa publiko ang 34 na taong gulang na si Evgeniya Vorobyeva mula sa Russia.

Mayroon na silang dalawang mga anak ngunit nagawa pa rin ng kaniyang mister na magloko. Sa loob lamang ng isang taon at kalahati ay nagawa niyang magbawas ng kaniyang timbang para na rin maghiganti sa kaniyang manlolokong asawa!

Sa ngayon ay isa na siyang ganap na fitness blogger sa Instagram at nagsisilbing inspirasyon sa mas maraming mga kababaihan. Ayon sa ilang mga ulat, noon pa man ay pangarap na niyang magkaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya hanggang sa makilala niya ang kaniyang naging mister sa isa sa kanilang mga kaibigan.

Makalipas ang ilang taong relasyon nila bilang magkasintahan ay nagdesisyon din silang magpakasal na. Hindi rin naman nagtagal at nabuntis siya ngunit nakunan siya dahil sa komplikasyon ng kaniyang pagdadalang-tao noon.

Dahil dito ay labis siyang nalungkot at namroblema hanggang sa napagtuuan niya ng pansin ang labis na pagkain. Dito na nagsimula ang paglobo ng kaniyang katawan. Makalipas ang ilang buwan ay nabuntis siyang muli sa ikalawang pagkakataon.

Anim na buwan pagkatapos niyang magsilang ay muli silang nabiyayaan ng isa pang anak. Ang kaniyang timbang ay umabot na sa 125 kilo.

Labis siyang nagulat nang matuklasan niyang ang kaniyang mister ay nagloloko pala sa kaniya! Nagloko raw ito dahil sa siya ay sobra nang tumaba.

Dahil dito ay napagdesisyon niyang iwanan na ang kaniyang asawa kung kaya naman sinama niya ang dalawa nilang anak at lumipat ng tirahan. Nagbawas din siya ng timbang sa pamamagitan ng ehersisyo at hindi pagdidyeta, hanggang sa nakamit na niya ang timbang at katawan na gusto niya kung kaya naman diniborsiyo na niya ang kaniyang asawa.

At ngayon nga ay nakilala na siya sa Instagram bilang isang fitness blogger.