Isang higanteng stingray na nadiskubre sa Cambodia, tinaguriang “World’s Largest Freshwater Fish” ng Guinness World of Records!

Napakaraming mga nakakamanghang bagay ang hindi pa natin natutuklasan hanggang sa ngayon. Sa kabila nito, mayroong mangilan-ngilang mga bagay ang talagang nagpapamangha pa rin sa atin.

Lalo na ang mga bagay na nadidiskubre sa iba’t-ibang panig ng mundo. Tulad na lamang halimbawa ng isang dambuhalang stingray na ito na natuklasan kamakailan lamang.

Natagpuan sa Mekong River ng Cambodia ang isang napakalaking stingray! Mayroon itong haba na 13 talampakan at bigay na 661 pulgada.

Talaga namang namangha ang marami nang makita ito at hindi rin naman nagtagal ay pinangalan na itong “largest freshwater fish” ng Guinness World Records (GWR). Umani ito ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko dahil sa pambihirang bigat at laki nito.

Ayon sa mga nauna nang balita, nahuli ng mga mangingisda ang higanteng stingray noong Hunyo 13. Magandang senyales daw ito dahil sa unti-unti nang sumisigla at nabubuhay muli ang yaman ng kanilang katubigan roon.

Ang nakakamanghang stingray o kilala rin bilang “whipray” ay mayroong sukat na 2.2 meters na halos kasing laki na rin ng dalawang pingpong tables. Nabibilang din daw ito sa mga “endangered species”.

Binigyan ito ng Khmer language name na “Borami” na nangangahulugang “full moon”. Ayon naman kay Dana Lee, isang fisheries biologist mula sa FISHBIO, talagang nakakamangha raw para sa kanila ang makakita ng ganito kalaking stingray!


“Catching the first glimpse of the giant stingray as it was pulled from the depths was a magical moment for me,” Pahayag nito.

“The Mekong has always been somewhat of a mythical place in my mind and this creature almost seemed like the river personified,” Dagdag pa niya sa kaniyang naging pahayag.

Tunay ngang napakaraming mga bagay ang dapat nating ipagpasalamat sa araw-araw. Hindi lamang sa mga bagay na nagagamit o nakikita natin sa araw kundi sa napakaraming mga bagay na natutuklasan natin nang hindi natin inaasahan.