Isang half-Filipina, kinilala bilang “World’s First Licensed Armless Pilot” at nakatanggap din ng Guinness World Record!

Marami sa atin ang maliit pa lamang ay talagang mayroon nang pangarap na propesyon o karera sa buhay. Kung kaya naman agad nilang napaghahandaan ang maraming mga bagay upang matupad ang pangarap nilang ito.

Nakasuporta din ang kanilang mga magulang kung kaya naman talagang magiging posible ang pagtupad nila sa mga pangarap nilang ito gaano man ito kahirap. Ang pagkakaroon ng mga pangarap na ito ang siyang magtutulak sa atin na gawin ang lahat sa abot ng ating makakaya.

Hindi tulad ng maraming indibidwal, talagang matinding pagsubok ang pinagdaanan ni Jessica Cox na isang Filipino-American na ‘Professional Motivation Speaker’ para lamang maabot niya ang kaniyang mga pangarap. Sa ngayon kasi ay talagang hinahangaan siya ng publiko dahil sa nagawa niyang makapagpalipad ng eroplano sa kabila ng kaniyang kapansanan.

Isinilang siyang wala nang mga kamay kung kaya naman buong buhay niya ay nakadepende na lamang talaga siya sa kaniyang mga paa. Sa kabila nito ay hindi siya pinanghinaan ang kalooban bagkus ay mas nagkaroon pa siya ng lakas ng loob na gumawa ng maraming mga bagay na kayang-kaya ring gawin ng mga tao sa kaniyang paligid.
Ayon sa ilang mga ulat, ang ina pala ni Jessica ay isang Pilipina mula sa Eastern Samar habang ang kaniyang ama naman ay isang Amerikano. Marami ang nagtatanong sa kaniya noon kung hindi ba niya kinuwestiyon ang Diyos sa kaniyang naging kalagayan.

Inamin naman niyang talagang pumasok din ito sa kaniyang isipan ngunit pinaglabanan niya ito at kalaunan ay natutunan din niyang pahalagahan at mahalin ang kaniyang sarili. Dati ay mayroon din daw siyang prostethic hands ngunit hindi nagtagal ay tinanggal na rin daw niya ito.

“And finally, though, after 11 years, I decided to give them up and I left them behind. I walked to my first day of eight grade, at the age of 14, without them, and it was the best decision that I ever made. I was finally the person that God created me to be.” Pahayag ni Jessica.

Sa ngayon ay isa na siyang ganap na lisensiyadong piloto at nakatanggap din siya ng pagkilala mula sa Guinness World Record!