Isang golden retriever tila ba nasa rurok ng kaligayahan habang pinaliliguan ng kaniyang amo sa isang batya!

Marami na rin sa ating mga Pilipino ang talagang nahihilig sa pag-aalaga ng mga hayop. Nariyan na ang pag-aalaga natin ng mga aso, pusa, ibon, hamsters, rabbit, at marami pang iba.

Mayroon din namang iilan na hilig ang pag-aalaga ng mga exotic o kakaibang mga hayop. Bilang isang responsableng fur parent o tagapag-alaga ay dapat natin silang bigyan ng maayos at komportableng tirahan, pakainin, at painumin.

Maliban sa mga ito ay dapat din natin silang paliguan, alagaan, at kalingain dahil sila ay mayroon ding buhay. Responsibilidad natin bilang mga tagapag-alaga nila na siguraduhing komportable at ligtas sila palagi.

Hindi talaga biro ang maging isang pet owner o fur parent. Kamakailan lamang ay talagang kinagiliwan ng publiko ang nakakatuwang larawan ng isang golden retriever na ito na talaga namang tila sarap na sarap sa kaniyang kalagayan.

Hindi tulad ng ibang mga hayop na talagang ayaw magpaligo at ayaw mabasa, relaks na relaks naman ang asong ito habang siya ay kinukuskos ng kaniyang amo. Marahil ay naranasan na din ng iilan sa atin na makalmot o hindi sinasadyang makagat ng mga alaga nating hayop dahil lamang sa pag-ayaw nila sa pagligo o pagbabasa.

Hindi rin naman natin sila masisisi dahil marahil ay hindi sila komportable o madalas ay nalalamigan sila. Dapat din nating unawain at intindihin ang mga alaga nating hayop lalo na at wala rin naman silang kakayahan na sabihin sa atin ang kanilang mga gusto at nararamdaman.


Nakakatuwang makita na mayroon pa rin palang iilang mga hayop sa ngayon ang talagang gusto pa ring magbababad at magrelaks habang naliligo. Mababakas sa hitsura ng asong ito kung gaano kasarap ang ginagawa sa kaniyang pag-aasikaso ng kaniyang among lalaki.

Ayon sa ilang mga netizens, tila hindi ito isang pet dahil mala-hari ang turing sa kaniya ng kaniyang amo. Ganito din ba kayo mag-asikaso o mag-pamper ng inyong mga alaga?