Isang golden retriever, agad na tumulong sa kaibigan niyang pusa bago pa man ito magsimula ng away sa kapwa niya pusa!

Mapalad kang maituturing kung mayroon kang kahit isang mabuting kaibigan lamang. Hindi biro ang pagkakaroon ng isang mabuting kaibigan sa ngayon dahil hindi naman lahat ng taong nakapaligid sa atin ay talagang mayroong pagmamalasakit sa atin.

Kadalasan ay nais lamang nilang nasa tabi natin sila dahil sa mayroon silang napapakinabangan sa atin. Nakakalungkot man ngunit ito ang reyalidad ng nakakararami sa ngayon.

Masakit man sa damdamin ngunit marami-rami na rin sa atin ang nakaranas nito, hindi ba? Kung inaakala natin na sa atin lang ito nangyayari, nagkakamali tayo dahil maging sa mga hayop ay madalas din pala itong makita.

Ngunit para sa magkaibigang aso at pusa na ito, talagang hahangaan mo ang pambihira nilang pagkakaibigan. Tulad na lamang ng isang golden retriever na ito na tila ba naging isang “peacemaker” sa kaniyang kaibigang pusa.

Bago pa man kasi ang pag-aaway ng pusa na kaniyang kaibigan at ng iba pang mga pusa ay agad nang umawat ang aso. Batid naman natin na ang mga pusa ay talagang mayroon ding pagka-agresibo lalo na pagdating sa kanilang mga teritoryo.

Marahil ay isa ito sa pinag-aawayan ng mga pusang iyon. Bago pa man mangyari ang pag-aaway ng mga pusa ay agad na kinagat nang marahan ng golden retriever ang tali ng kaniyang kaibigan na tila isang paalala at babala na huwag na nitong ituloy ang anumang binabalak niya.


Nang gawin ito ng golden retriever sa kaniyang kaibigan ay halata namang natauhan ito ay nagtungo na lamang sa kabilang direksyon. Nakakatuwang malaman na napakaraming mga netizens ang talagang natutuwa sa ginawang ito ng aso.

Tila ba isang tao rin ang golden retriever na walang ibang nais kundi ang ikaaayos at ikaliligtas ng kaniyang kaibigang pusa. Kung sana ay lahat ng kaibigan natin ay ganito ang pagmamalasakit at pagtrato sa atin, tiyak na magiging maayos ang lahat.

Maiiwasan ang alitan at ang awayan ng bawat isa.