Isang foreigner na vlogger na minsang bumisita sa Pilipinas, na-inlove sa isang dalagang Badjao!

Ang pag-ibig ay maaaring isang simpleng salita lamang para sa marami sa atin. Ngunit ito pala ay mayroong mabigat at malalim na kahulugan para sa nakararami.

Hindi rin naman madaling magmahal dahil talagang kakailanganin mo nang mahabang pasensiya at pang-unawa para maging maayos ang relasyon ng iyong kapareha. Kamakailan lamang ay marami ang kinilig sa kwentong pag-ibig ng isang dalagang Badjao at isang Polish vlogger.

Natunghayan ito ng publiko sa sikat na magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Soho,”. Ang dayuhang vlogger ay nakilala sa pangalang Damian na isang chef dati sa London, United Kingdom.

Taong 2010 nang magdesisyon na siyang magretiro at tuparin ang kaniyang pangarap na lumibot sa magagandang lugar sa buong mundo. Nang mapunta siya sa Pilipinas ay talaga namang nabighani siya sa angking ganda ng mga lugar dito at kung gaano kababait ang mga Pinoy.

“I fell in love from the very beginning when I came to the Philippines. I felt like I landed on another planet,” pahayag ni Damian.

Ilan sa mga lugar na napuntahan na niya ay ang Cebu, Apo Island sa Negros Oriental, at Pamilacan Island sa Bohol. Nang bisitahin nila ang Panglao Island sa Bohol ay isinama siya ng kaniyang mga kaibiganb sa isang pasyalan doon.


Gumawa siya ng vlog tungkol sa naturang Badjao Village at sa mga taong nakilala at nakasalamuha niya roon.

“I felt like I could connect with people in that village,” komento pa ni Damian na noon ay naranasan din daw na wala siyang matirhan.

Habang naglilibot siya sa komunidad na ito ay napukaw ang kaniyang atensyon ng isang dalagang Badjao na si Aico. Dumangaw kasi ito mula sa kanilang bahay at tinanong si Damian kung saan siya pupunta at ano ang ginagawa niya rito.

Kahit grade 10 lang ang natapos ni Aico ay marunong itong magsalita at makaintindi ng Ingles. Dahilan upang magkaunawaan silang dalawa at kalaunan ay magkapalagayan ng loob.

Humingi ng pahintulot si Damian kung maaari ba niyang dalawin si Aico sa kanilang tahanan na pinayagan din naman ng dalaga. Hindi nagtagal at naging magkarelasyon na nga silang dalawa ngunit marami ang hadlang dahil sa tindera lamang ng gulay si Aico habang isa namang dayuhan si Damian.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin silang nagmamahalan at hindi inaalintana ang mga sinasabi ng iba.