Isang FoodPanda rider ang umani ng papuri ngayon online dahil sa pagbabahagi nito ng kaniyang pananghalian sa isang asong kalye!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang paglaganap ng napakaraming mga cute na hayop ngayon sa iba’t-ibang panig ng mundo. Kung usapang pets lang naman ay talagang hindi rin magpapahuli ang maraming mga Pilipino.

Nariyan na ang pag-aalaga natin ng mga pusa, aso, ibon, isda, at minsan pa nga ay mga exotic na hayop. Kadalasang hindi lamang ito libangan kundi nagiging income o pagkakakitaan na rin.

Maliban sa pagiging business-minded ng ilang mga Pilipino, marami pa rin naman ang talagang tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanilang mga alagang hayop kung saan binibili pa nila ang mga ito ng mga pagkaing nararapat sa kanila at mga bitamina. Minsan nga ay mayroon pa silang mga laruan, magagarang kulungan o tirahan at iba’t-ibang mga gamit pa.

Ngunit nakakalungkot lamang isipin na marami din palang mga hayop sa ngayon ang walang mga among nag-aalaga sa kanila, walang malinis na tubig at pagkain, at wala ring nasisilungang tirahan. Marahil ito rin ang nararamdaman ng isang Food Panda rider nang minsang tulungan niya ang isang asong kalye.

Isang TikTok video ang talagang umantig sa puso ng maraming mga netizens dahil sa pagbabahagi ng isang rider ng pagkain sa isang payat na payat na asong kalyeng kaniyang natagpuan. Ang rider na ito ay mula sa Penampang Sabah, Malaysia.
Tunay ngang pagod, gutom, at hirap ang rider na ito ngunit mas pinili niyang bahaginan ng kaniyang dalang pagkain ang asong ito upang kahit papaano ay malamnan man lamang ang kaniyang kumakalam na sikmura. Kung nakakapagsalita lamang ang asong ito ay tiyak na magpapasalamat ito ng husto sa kabutihan ng rider sa kaniya.

@francesemerony Tq Food Panda Rider whoever you are ❤ #bekind #straydog #rescuedog #fyp #fypシ #sabah #penampang #sabahancrew_fams ♬ เสียงต้นฉบับ – Kantawid Minwong

Maraming mga netizens din naman ang naantig sa ginawang ito ng rider at nagsilbi rin siyang inspirasyon na sa halip na katakutan ang mga hayop na ito ay dapat pa nga silang tulungan. Mas marami na rin ang adbokasiya ngayon sa pag-aampon ng mga hayop na ito kaysa ang pagbili ng mga imported na breed ng hayop mula sa ibang bansa.