Isang Food Panda rider na nadulas sa gitna ng matinding ulan, agad ding bumangon at nagpatuloy sa kaniyang pagtatrabaho!

Marami sa atin ang talagang nagsusumikap sa trabaho para sa ating pamilya. Nais nating makatulong at masuportahan sila sa abot ng ating makakaya.

 

Madalas talagang kailangan nating magsakripisyo para lamang magtagal tayo sa ating mga trabaho. Hindi naman din kasi lahat sa atin ay nagkakaroon ng magandang oportunidad o magandang kita sa ating mga trabaho.

Dahil dito, madalas na naghahanap pa tayo ng higit sa isang mapagkakakitaan para lamang maging sapat ang ating kinikita para sa ating pamilya. Kamakailan lamang ay muling umantig sa puso ng publiko ang larawan na ito ng isang Food Panda rider kung saan makikita siyang nadulas sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.

Nadulas at natumba ito ngunit hindi ito naging dahilan upang siya ay tumigil sa kaniyang ginagawa. Talagang tumayo siyang muli at ipinagpatuloy ang kaniyang trabaho.

Maraming mga netizens ang talagang naantig sa mga larawang ito dahil kahit gaano kabigat ang kanilang trabaho at kahit mahirap pa ang kanilang pinagdaraanan ay hindi natin sila makikitang sumusuko na lamang basta-basta. Kaugnay nito ay hindi rin naawat ang maraming mga netizens na ibahagi ang kanilang opinyon patungkol sa mga taong mapagsamantala sa mga delivery riders.


Mayroong ilang pagkakataon kung saan hindi tinatanggap ng kanilang mga kostumer ang produkto dahil sa hindi raw ito ang kanilang order o di kaya naman ay mayroon itong sira. Ang nangyayari ay nag-aabono na lamang ang ilan sa mga kawawang riders para lamang matapos na ang gulo sa pagitan nila ng kostumer.

Gayundin naman, para sa ilang mga food delivery riders ay mayroong ilang pagkakataon na may mga prank calls silang natatanggap kung saan hindi naman pala talaga order ng kostumer ang mga pagkain ngunit ipadadala ito sa kanilang address. Kapag hindi ito tinanggap ng kanilang kostumer ay sila rin ang magsasakripisyo dahil sila ang namuhunan dito.

Tunay nga na sana ay mamulat ang marami sa atin na dapat din nating irespeto ang ating mga kababayan na nagtatrabaho ng marangal para sa kanilang mga pamilya.