Isang estudyanteng Pinay na umabot na sa higit 200 piraso ang mga medalyang nakamit, nagpamangha sa publiko!

Edukasyon ay napakahalaga lalo na para sa ating mga kabataan. Palagi tayong pinapaalalahanan ng ating mga magulang na ito lamang ang kayamanan na maipapamana nila para sa atin.

Isa rin ito sa magiging kayamanan nating mga anak sa hinaharap. Makakatulong ito ng husto upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan.

Kamakailan lamang ay namangha ang marami sa 16 taong gulang na dalagang ito mula sa Lingayen, Pangasinan. Nakaipon na kasi siya ang higit sa 200 mga medalya.

Nakuha niya ito matapos niyang lumahok sa maraming patimpalak sa kanilang paaralan na Pangasinan National High School (PNHS). Ang batang ito ay nakilala bilang si April Christelle T. De Leon.

Kasabay ng kaniyang mga ibinahaging larawan sa kaniyang social media ay naglagay din siya rito ng kaniyang caption – “These memories will forever be treasured and will always be with me wherever I go. Goodbye Lingayen, Pangasinan.”

Bata pa lang siya ay talagang nakakitaan na siya ng pambihirang katalinuhan. Mula sa unang baitang at ikasampung baitang ay palagi siyang una sa kanilang klase.
Valedictorian din siya noong Grade 6 at siya lamang ang katangi-tanging nakapagtapos sa junior highschool na mayroong general average na 98%. Hindi lamang siya matalino dahil maging sa mga extra-curricular activities ay talagang hindi rin siya nagpaawat.

Ilan sa kaniyang mga sinalihan ay quiz bowls, journalism, at iba pang mga kompetisyon.

“I was able to represent my schools – Lingayen I Central School and Pangasinan National in national finals of different contests for nine times,” Pahayag ni April.

Sinong mag-aakala na maging sa mga beauty pageants ay nananalo rin si April? Ilan sa mga ito ay ang Lakambini ng Wika, Miss A1, Miss United Nations, at Miss Earth.

Tunay ngang beauty and brains si April. Proud na proud sa kaniya ang kaniyang mga magulang na sina Engr. Bobby B. De Leon at Dr. Maria Luz Tesoro De Leon.