Isang estudyante mula sa Ilocos Sur, maswerteng nagwagi ng isang house and lot sa vaccine raffle sa kanilang bayan!

Halos lahat sa atin ay nangangarap na magkaroon at makapagpundar ng sariling bahay at lupa. Lalo na iyong may mga sariling pamilya na.


Napakahirap din kasing pumisan at makitira pa sa pamilya o kamag-anak kung mayroon ka nang binubuong pamilya. Nakakalungkot mang isipin ngunit marami sa atin ang talagang napipilitan na lamang na manirahan sa iisang bubong kasama ang kanilang mga kaanak.

Sa hirap kasi ng buhay ngayon, tila ba napakaimposible nang magkaroon tayo ng sarili nating bahay. Maliban na lamang kung mapapanalunan ninyo ito sa isang raffle.


Tulad ng naging karanasan ng isang estudyante na ito mula sa Ilocos Sur. Siya ay nakilala ng publiko bilang si Romulo Corpuz.

Habang siya raw ay nasa pamilihan ay laking gulat niya nang may tumawag sa kaniya at sinabing siya ay nanalo raw ng isang bagong bahay at lupa. Ito ay matapos niyang magpabakuna at sumali sa COVID-19 vaccine raffle sa kanilang bayan.
Siya ay 22 taong gulang na at talagang napakapalad niya dahil sa mayroon na siyang sariling bahay at lupa kahit estudyante palang siya. Literal daw siyang napasigaw nang marinig ang magandang balita.

Nagulat pa nga raw ang security guard ng grocery store kung nasaan siya. Nilapitan siya at tinanong kung bakit siya sumisigaw at doon niya sinabi na nagwagi nga raw siya ng house and lot!

Masayang masaya din naman ang kaniyang ina na si Mildred Corpuz sa natanggap na biyaya ng kaniyang anak.

“Blessing na blessing sa Christmas na ito, kasi yung anak ko nanalo sa house and lot. Ay, talagang excited na excited na.” pahayag ni Nanay Mildred.


Ayon naman sa kanilang alkalde na si Mayor Jesus Bueno Jr., mayroong nakuhang lote ang kanilang lokal na gobyerno kung saan nila ipinatayo ang bahay. Ginawa nila ang raffle na ito upang mas marami pa ang maengganyo at magkainteres na magpabakuna.

Ito ay para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *