Isang emerald na may bigat na 800 pounds na nagkakahalaga ng limpak limpak na salapi, natagpuan sa Brazil!

Isang dambuhalang emerald na mayroong bigat na 794 pounds at may taas na 4.3 feet ay nadiskubre sa 200 metrong lalim sa loob ng Carnaiba Mine sa Brazil. Ayon sa ilang mga eksperto, ang emerald rock ay maaaring umabot ng halagang £238million.

Ang natagpuan namang emerald rock sa Brazil ay nagkakahalaga ng $308 million o halos Php17,270,159,687.30! Isang napakalaking emerald rock na nagkakahalaga ng £238million ang natagpuan sa isang minahan sa Brazil.

Ito ay nakatago ngayon sa isang “secret location” nang hindi na nagpakilalang may-ari. Natatakot kasi ito sa mga krimen at masasayang bagay na maaaring mangyari sa kanila dahil sa mamahaling bato na nasa kaniyang pangangalaga.

Ayon sa owner na ito na nagpakilala na lamang sa kaniyang mga initial na FG, sadyang napakabihira raw ng emerald na ito dahil sa sukat nito at sa malalaking kristal dito. Dagdag pa niya, kahit na kailangan ng fork lift truck upang mabuhat ito ay hindi magiging imposible sa mga masasamang loob sa Brazil na nakawin ito mula sa kanila dahil talamak raw talaga doon ang paggamit ng mga pampasabog at pagdadala ng mga baril para lamang magnakaw sa mga bangko.

“I can’t reveal anything about the whereabouts of the stone, how it’s being kept and how much I paid for it. ‘All I can say is the stone is being moved frequently from secure location to secure location under armed guard.” Pagbabahagi ng owner na si FG.


“I cannot take any chances with my family’s lives by keeping the stone in one place where it could be found.” Dagdag pa nito.

Naibahagi rin niya na mayroon lamang dalawang malalaking bato na ito sa buong mundo. Isa na rito ay ang “Bahia emerald” na mayroon pang “legal dispute” sa pagitan ng Brazil at Amerika. Ngunit hindi raw ito kasing puro ng Carnaiba emerald.