Isang doktor, nagulat nang makakita ng isang aso na natabunan ng lupa at tanging leeg na lamang nito ang kita!

Nakarinig ng kakaibang tunong ang beterinaryong si Soner Büyümez habang siya ay nagtatrabaho sa isang liblib na bukid sa Turkey. Hindi niya kayang balewalain na lamang ito dahil para itong isang paghingi ng tulong.

“I immediately ran to the spot. There had been a landslide. I saw a dog trapped in the ground. Only her head remained above the soil.” Pagkukwento niya.

Batid niyang balisa masyado ang aso dahil sa kalagayan nito ng mga oras na iyon. Ngunit maliban pala sa kaniyang kalagayan ay mayroon pang mas ikinababahala ang kawawang aso.

Hindi lamang siya nag-aalala at natatakot para sa kaniyang buhay. Dahil dito ay agad namang kumuha ng pala si Büyümez upang mailigtas ang kawawang aso. Nang makahukay siya ng kaunting lupa ay dito na niya narinig pa ang ilang mga tuta na umiyak.

Hindi lamang pala ang malaking aso ang natabunan ng lupa kundi kasama nito ang ilang mga tuta! Nang mailigtas na niya ang malaking aso ay saka naman niya hinukay isa-isa ang mga tuta.

Sa kabutihang-palad ay nailigtas niya ang pitong mga tuta. Sa ngayon ay ligtas na ang aso at mga tuta nito. Ayon din naman kay Büyümez, sa kaniyang palagay ay isang asong ligaw ang nailigtas niyang aso.

Sa lugar mismo na iyon siya inabutan ng panganganak sa kaniyang mga tuta kung kaya naman hindi na rin ito umalis roon hanggang dumating nga ang araw ng sakuna na hindi nila inaasahan.

“Their general condition is very good. The mother and her puppies protected. I will care for them as my own.” Pahayag ni Büyümez.

Buti na lamang at dumating sa tamang oras si Büyümez dahil kung hindi ay tiyak na hindi na makakaligtas pa ang mga tuta at maging ang aso. Sa ngayon ay ligtas na silang lahat at mayroon na ring handang mag-alaga sa kanila.