Isang dog owner ang muntik nang mahimatay nang makita niya ang kaniyang aso na hindi na gumagalaw sa sahig habang tila naliligo ito sa sariling dugo!

Bilang mga pet owners, wala tayong ibang nais kundi ang ikabubuti ng ating mga alagang hayop. Kung kaya naman madalas ay nagsusumikap talaga tayong maghanapbuhay hindi lamang para sa ating pangsariling pangangailagan kundi para na rin sa kanila.

Marami din kasing pangangailangan ang mga alagang hayop natin lalo na kung sila ay ibang mga breed o lahi. Tulad na lamang halimbawa ng isang dog owner na ito na mayroong isang Corgi.

Ang naturang owner ay mayroong business na BlaBla-boo – Premium Dog Cafe sa Ayutthaya, Thailand. Madalas ay hinahayaan lamang nila ang alaga nilang si Cartier na maglaro at maglibot-libot sa lugar.

Ngunit laking gulat na lamang niya at halos atakihin siya sa puso ng isang araw ay natagpuan niya ito na hindi gumagalaw sa kanilang kusina. Ang mas mahirap pa sa nakita niyang ito ay ang kulay pulang tila dugo na nasa buong katawan nito.

Talagang maiyak-iyak na siya nang makita niya ang alaga niyang aso dahil inakala niyang wala na itong buhay. Buti na lamang at nagkaroon siya ng lakas ng loob na suriin ang kaniyang aso at napagtanto nitong buhay pa pala ito at natapunan lamang ng nilaro niyang red syrup!

Hindi akalain ng amo ni Cartier na magagawang maglaro ng kaniyang alaga ng isang red syrup at tila nagtulog-tulugan pa nga ng makita niya ito. Maraming mga netizens ang hindi napigilang matuwa sa kalokohan na ito ni Cartier at kaniya-kaniya rin naman sila nang pagbabahagi ng mga insidenteng naranasan nila sa kanilang mga alagang hayop na inakala nilang wala na ring buhay ngunit naglalaro lamang pala!


Sa kabila ng nangyari ay laking pasasalamat pa rin niya dahil walang masamang nangyari sa kaniyang aso at sa susunod ay mas magiging maingat na sila sa pagsisinop at pagtatabi ng mga ganitong klase ng bote at produkto sa kanilang kusina. Nang sa gayon ay maiwasan na rin ang makalaglag pusong pangyayaring ito.