Isang dambuhalang tilapia na may timbang na 5.2 kilos, nahuli sa Kidapawan City!

Nakakamangha at nakakatuwang makakita ng mga kakaibang bagay. Halimbawa na lamang ang tilapia na ito na natagpuan sa Brgy, Balabag, Kidapawan City!

Tumitimbang lang naman ito ng 5.2 kilos. Makikita rin sa larawan kung gaano ang aktwal na laki ng naturanga isda na mas malaki pa sa mukha ng lalaking humahawak dito. Hunyo 2021 nang mahuli ang higanteng tilapia na mula pala sa palaisdaan ng kapitan ng Barangay Balabag.

Ayon sa ulat ng PEP, walong buwan inaalagaan ang mga tilapia sa naturang palaisdaan ngunit nang linisan na nila ito ng tubig ay natagpuan nila ang hindi lamang isa kundi apat na dambuhalang mga tilapia! Ang mga fingerlings daw ay mula pa sa Davao Del Sur at talagang kinagulat ng may-ari na may mga higanteng isda pala sila sa kanilang fish pond.

Sa Pilipinas, hindi ito ang unang beses na mayroong natagpuan na dambuhalang isda sa ating bansa. Dahil doong Hulyo 2019 ay mayroon ding nabingwit na malaking tilapia ang isang mangingisda sa Estero De San Miguel sa Maynila.

Ang timbang nito ay halos tatlong kilo rin. Ayon din naman sa isang commercial feeds supplier na ayaw nang magpakilala ay hindi patok sa mga mamimili ang mga malalaking tilapia na ito. Marami kasi ang naniniwalang mas masarap at mas malinamnam ang malilit na mga isda.

Dagdag pa nila, marahil ay overfeeding ang dahilan kung bakit lumaki ng 5.2 kilos ang ilang mga tilapia sa Kidapawan City. Samantala, ang tipikal na timbang ng tilapiang na nabibili natin ay karaniwang hindi lalampas ng isang kilo at may haba na walong pulgada.
Talaga namang napakasarap nitong ipirito o ihawin lalo na kung talagang sariwa pa. Ayon naman sa kapitan ng barangay Balabag ay iniluto na lamang nila ang kanilang higanteng huli at nasorpresa silang lahat dahil wala naman daw kaibahan sa lasa nito sa ordinaryong sukat ng tilapia.