Isang cute na raccoon ang palaging bumisita sa babaeng nagligtas sa kaniya sa loob ng tatlong taon!

Maniniwala ba kayo na kapag ang isang hayop ay nailigtas ng isang tao, tiyak na alam nila kung paano ang magpasalamat. Hindi man sila nakapagsasalita, ngunit kaya nilang ipakita at iparamdam ang kanilang pasasalamat sa taong nagsalba ng kanilang buhay.

Bilang mga tao, tiyak na madali din natin itong maramdaman. Kamakailan lamang, mayroong isang babaeng nagngangalan na Nikki Robinson na nakatagpo ng isang baby raccoon.

Talaga namang nakakaawa ang kalagayan ng kawawang hayop na ito sa tabing kalsada. Agad namang tumulong ang matandang babae at dinala ito sa isang wildlife rescue center ngunit puno na ang naturang lugar at wala nang lugar para sa batang raccoon.

Isa sa mga staff ng naturang rescue center ang nagpayo kay Nikki na dalhin na lamang ang hayop sa isang beterinaryo at doon ay ipa-euthanisia ito. Labis na nabigla at nalungkot si Nikki sa tinuran ng staff.

Dito na siya nagdesisyon na dalhin na lamang sa kanilang tahanan ang raccoon at doon alagaan. Pinangalanan niya itong “Little Hands”. Dahil sa palaging nasa trabaho si Nikki ay ang kaniyang inang si Linda ang nag-aalaga sa raccoon.


Noong una ay ayaw pang pumayag ng kaniyang ina na alagaan ito ngunit kalaunan ay pumayag na rin ito dahil sa sobrang ka-cute-an ng naturang hayop. Talagang inalagaan ng husto ni Linda ang raccoon na para bang tunay niyang anak.

Lumipas ang ilang buwan at taon ay kinailangan nang bumalik ng raccoon sa kaniyang natural na tirahan. Ngunit sa kabila nito ay araw-araw pa rin nitong dinadalaw sina Linda at Nikki sa loob ng tatlong taon.

Palagi silang magkasama sa duyan, kumakain ng masaya at saka siya babalik sa gubat. Mula noon ay palagi nang nag-aalaga ng mga raccoons ang nanay ni Nikki na si Linda.

Talaga namang nakakaantig ang naging relasyon at pagkakaibigan nina Linda, Nikki, at ng kanilang alagang si Little Hands. Tiyak na nagkaroon sila ng masayang alaala sa bawat oras at bawat panahong sila ay magkasama.