Isang cute na pusa, nangangalabit at tila nanghihingi ng gatas mula sa isang baka!

Araw-araw, napakaraming bagay tayong pinagkakaabalahan. Ngunit sa kabila ng pagiging abala natin ay nagagawa pa rin nating makapag-relax sa pamamagitan ng iba’t-ibang social media platforms.

Marami kasi ang napapagod at talagang nai-stress sa trabaho kung kaya naman malaking bagay din ang paglilibang nila sa pamamagitan ng mga social media platforms na ito. Hindi na bago sa marami sa atin ang tumingin-tingin sa ating mga social media accounts habang nagpapalipas ng oras.

Kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na sa mga oras na ito ay nakakapanuod at nakakakita tayo ng mga cute at nakakatuwang videos. Tulad na lamang halimbawa ng isang pusa na ito.

Makikita sa isang maiksing video na naghihintay ang pusa sa tabi ng isang lalaking naggagatas ng kalabaw. Mabait naman ang pusa na maya-maya pa ay tila nangangalabit na. Napansin naman ng lalaki ang ginawa ng pusa kung kaya naman agad din itong nagbigay ng gatas sa gutom at uhaw na pusa. Maraming mga netizens din naman ang natuwa sa video na ito dahil tila ba may sariling isip ang munting hayop.

“Just need to understand everyone’s gesture,” pahayag naman ni Avanish Sharan, isang IAS officer ng Chhattisgarh Cadre na siyang nagbahagi ng naturang video sa kaniyang TikTok account.


Tunay ngang hindi lamang cute ang pusa na ito kundi napaka-madiskarte din. Kung mayroong ibang hayop na nangunguha na lamang basta-basta ng mga pagkain sa kung saan-saan.

Mayroon din palang tulad nang pusang ito na talagang marunong maghintay at makiusap. Kung ito ang magiging pet o alagang pusa mo ay talagang magiging proud ka hindi ba?

Kung kaya naman bilang mga pet owners ay dapat tayong maging responsible at disiplinado. Ang mga alaga nating ito ay nangangailangan din talaga ng pagkalinga at pagmamahal mula sa ating mga amo nila.

Wala rin naman silang ibang aasahan kundi tayo na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanila.