Isang cute na donkey o asno ang hindi makatulog sa gabi kung hindi siya yayakapin ng kaniyang amo!

Napakasarap marahil sa pakiramdam ang asikasuhin ka at bigyan ka ng atensyon ng taong mahal mo pagkatapos ng nakakapagod na trabaho mo sa buong araw. Mayroon tayong iba’t-ibang klase ng “love language” at ilan sa atin ang mayroong “physical touch” bilang isa sa mga ito.

Talagang nagugustuhan natin kung tayo ay nakakatanggap ng ganitong klase ng pagmamahal mula sa mga taong minamahal natin. Kamakailan lamang ay marami ang natuwa sa balitang ito kung saan mayroon diumanong isang babae sa Brazil na hindi titigil hanggang hindi siya niyayakap ng kaniyang amo.

Naghihintay din siyang may sabihin ito sa kaniya na magagandang salita. Hindi pala ito basta isang babae lamang dahil ang totoo ay isa itong donkey o asno. Kinagiliwan siya ng publiko matapos nilang mapanuod ang kaniyang video online.

Ang naturang video ay ibinahagi mismo ng kaniyang amo, owner, o ina na si Jacqueline Gouveia. Makikita dito ang bagong silang na asno na nakalabas pa ang mga taenga sa bintana.

Django ang pangalan ng asno at noon pa man ay mayroon na silang ritwal ng kaniyang ina na si Jacqueline bago sila matulog. Sa tuwing dudungaw pala ito sa kaniyang bintana ay nakikipag-usap siya rito ng mahina lamang at saka niya ito hahawakan at hihimasin.

“Mom loves you… Mom loves you,” Ito ang mga katagang maririnig sa video na sinasabi ni Jacqueline.

Mapapansin sa video kung ano ang naging reaksyon ni Django sa ginagawang ito ng kaniyang ina. Dahil sa palagi silang nagsasabi ng “good night” sa isa’t-isa kung kaya naman mas nagiging malapit sila sa isa’t-isa.

Nakakatuwang malaman na mayroon pala talagang mga ganitong klase ng relasyon sa pagitan ng isang hayop at ng taong nag-aalaga dito. Totoo naman na kung maganda at maayos ang pagtrato mo sa isang hayop o sa iyong alaga ay tiyak na susuklian din naman nila ito ng tunay na pagmamahal.

Hindi lamang tayong mga tao ang marunong na magpakita ng pagmamahal sa ibang tao kundi maging ang mga hayop na ito ay kaya ring ipakita kung gaano sila katapat sa atin.