Isang cute na aso, mayroong kakaibang trick upang maisahan ang kaniyang amo sa paborito nitong nilagang itlog!

Laganap na talaga ang social media ngayon saan mang dako ng mundo. Isa na ito sa ating mga ginagawang paraan upang magkaroon pa rin tayo ng komunikasyon sa ating mga kapamilya at kaibigan.

Lalong-lalo na kung tayo ay nasa ibang bansa o malayong lugar. Ngunit higit pa rito ay nagagawa rin nating magpalipas ng oras sa pamamagitan ng social media.

Marami tayong natutuklasan na mga bagay at sa maraming pagkakataon din naman ay talagang namamangha tayo sa mga bagay na ating napapanuod dito. Halimbawa na lamang ang isang Labrador na ito na tila may kakaibang trick kung paano niya maiisahan ang kaniyang amo sa naiwana nitong nilagang itlog.

 

Ayon sa mga nauna nang ulat, ang may-ari ng aso ay naghahanda ng pagkain sa kusina kung saan naroroon din naman ang kaniyang alagang Labrador. Paborito ng aso ang nilagang itlog kung kaya naman hindi matanggal ang tingin nito dito.

Nang sandaling umalis ang kaniyang amo ay tila naisipan ng aso na itago ang dalawang piraso ng itlog. Hindi sa kung saan mang bahagi ng kanilang bahay kundi mismong sa bibig niya!

Marahil ay inakala nitong hindi mapapansin ng kaniyang amo na siya ang nagtago ng nilagang itlog. Kitang-kita sa ilang mga larawan kung ano ang hitsura ng Labrador habang pilit nitong itinatago ang dalawang itlog sa gilid ng kaniyang mukha o sa bandang pisngi nito.

Maya-maya pa nga ay bigla na lamang may lumusot na itlog sa kabilang pisngi nito kung saan nahuli sa akto ang aso na siya ngang nagtago ng nilagang itlog! Hindi naman mapigilan ng kaniyang amo na tumawa ng husto dahil sa kakulitan ng kaniyang alaga.

Hindi niya lubos akalain na itatago nito ang mga itlog at magpapanggap pa na tila wala itong kaalam-alam sa nangyari. Sa halip na magalit ay natuwa na lamang at nagalak ng husto ang kaniyang fur parent dahil sa nakakatuwang kakulitan na ito ng Labrador.