Isang cute na alagang aso ang palaging chinecheck ang bagong panganak na triplets sa kanilang tahanan upang masigurong ligtas ang mga ito!

Marami sa atin ang talagang naeengganyo na bumili ng mga alagang hayop sa bahay. Halimbawa na lamang ay aso, pusa, isda, hamster, kuneho, at marami pang iba.

Kaya marami sa atin ang mas nagiging interesado ngayon sa pag-aalaga ng mga hayop na ito, nais kasi ng marami sa atin na magkaroon ng makakasama sa bahay. Dahil rin sa sobrang stress sa trabaho o personal na buhay kung kaya marami din ang nagnanais na mag-alaga ng mga pets.

Hindi na nakapagtataka na mas dumarami na talaga ang mga taong naglalaan ng extra budget para sa kanilang mga alaga. Kailangan kasi talagang paglaanan sila ng budget pagdating sa kanilang pagkain, monthly check-up, bitamina, maintenance, at marami pang iba.

Kailangan din na maglaan tayo ng sapat na oras at panahon para sa kanila dahil hindi lamang sila mga bagay, sila ay nangangailangan din ng bond at atensyon mula sa atin. Kinagigiliwan ngayon ng marami ang Goldendoodle na ito na si Sunny mula sa Brandford Connecticut.

Siya kasi ang nagsisilbing tagapagbantay ngayon ng triplets na mga sanggol sa kanilang tahanan. Talagang sinisigurado niyang ligtas ang mga ito bawat oras. Ibinahagi pa mismo ng isang Lauren Barnes ang ginagawa ni Sunny na pagbisita at pagtingin-tingin sa mga sanggol sa kaniyang TikTok account.


Makikita sa video na habang namamahinga at nakahiga ang triplets sa sofa ay agad namang sinilip ni Sunny ang bawat isa. Araw-araw daw niya itong ginagawa sa dalawang buwang gulang pa lamang na mga sanggol.

Maya maya pa ay natapos nang mag-check ang asong ito sa triplets kung kaya naman siya naman ang nahiga sa kalagitnaan nila. Talaga namang natutuwa ang mga fur parents ni Sunny dahil halatang mahal na mahal nito ang mga sanggol.

Sinisigurado din niyang komportable at talagang hindi nalalamigan ang mga cute na sanggol na ito. Mapalad ang mga fur parents ni Sunny dahil napakalambing at napakamaalaga nito.