Isang caregiver, hindi alintana ang lakas ng ulan at ibinigay sa inaalagang matanda ang kaisa-isa nilang payong upang hindi ito mabasa!

Aminin man natin o hindi, talagang mahirap mag-alaga ng matanda hindi ba? Marahil ito ang dahilan kung kaya naman marami na ring nursing home sa loob at labas ng bansa.

Bagamat mas marami pa rin naman sa ating mga Pilipino ang pinipiling alagaan ang kanilang mga matatandang magulang, may ilang nagdedesisyon na dalhin sila sa mga nursing homes o di kaya naman ay kumuha ng caregiver na mag-aalaga sa mga ito. Hindi rin naman biro ang pagkuha ng caregiver lalo na kung hindi naman talaga natin sila kakilala o kamag-anak.

Madalas kasi ay masasamang loob na pala ang ating nakukuha na maaaring magsamantala sa atin at sa ating pamilya. Ngunit sa kabila nito, mayroon pa rin namang iilan na talagang hahangaan at kabibiliban mo.

Tulad na lamang ng isang caregiver na ito na namataan ng isang netizen. Napansin ng isang netizen na mayroong tulak tulak na matandang naka-wheel chair ang babaeng ito.

Ngunit dahil sa lakas ng ulan ay kinailangan niyang ipaubaya ang kaisa-isa nilang payong sa matanda. Dahil mahina na rin ang katawan ng matanda sa lamig ay hindi na ito nagdalawang-isip pa na ibigay sa kaniya ang payong upang kaniyang magamit.

Tila hindi alintana ng caregiver kahit mabasa siya ng husto ng ulan basta’t masiguro lamang na komportable pa rin kahit papaano ang kaniyang alaga. Talagang maraming mga netizens ang sumaludo sa babae.
Hindi raw lahat ng mga caregiver ay ganito. Itinuturing na pamilya ang inaalagaan nilang matanda. Madalas kasi ay nakakabalita tayo ng mga mapang-api at malulupit na mga caregiver ngunit sa pagkakataon ito ay talagang napakapalad ng matanda na mayroon siyang mabait at responsableng tagapag-alaga.

Hindi na madaling makahanap at makakuha nito lalo na sa panahon natin ngayon kung kaya naman talagang nakakabilib ang babaeng ito na sana ay mas tularan pa ng nakararaming mga Pilipino.