Isang bus driver na nakakita ng aso sa minamaneho niyang bus, hindi ito pinaalis bagkus ay hinayaan na lamang niyang mamahinga ang kawawang aso!

Noon pa man ay marami na sa atin ang talagang may malambot na puso pagdating sa mga hayop. Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming pamilyang Pilipino ang nag-aalaga ng mga hayop tulad ng pusa, aso, ibon, isda, at marami pang iba.

Talagang nakakatanggal ng stress ang mga alaga nating hayop hindi ba? Hindi na rin nakapagtataka na mayroong isang bus driver na marunong rumespeto at kumalinga sa mga hayop.

Isang araw kasi ay mayroong isang aso na sumakay sa minamaneho niyang bus. Kung ang karamihan sa atin ay magsasabing dapat na paalisin niya ito agad dahil maaari itong magdumi o di kaya naman ay magsira sa loob ng sasakyan, mas minabuti ng driver na hayaan na lamang ang naturang aso.

Tila kasi nangungusap ang mga mata nito sa kaniya at nagsasabing wala naman siyang ibang gagawin sa loob kundi mamahinga lamang. Tila ba naramdaman ito ng driver kung kaya hindi niya pinaalis o pinababa ng kaniyang bus ang naturang aso.

Maya-maya pa ay pumwesto na ito nang mainam na tila matutulog na at mamahinga. Kahit pa hinayaan ng driver na matulog ang pagod na aso sa kaniyang bus, nag-aalala din naman ito dahil baka malayo ito masyado sa kaniyang pinagmulan.


Maaari kasing maligaw ito sa bagong lugar na bababaan nito at hindi na makabalik pa sa kung saan man siya nagmula. Maaari ding may nag-aalaga dito sa aso at hindi inaasahang makawala sa kanilang tahanan.

Marahil ay labis na rin itong nag-aalala sa pagkawala ng kanilang alaga. Samantala, marami din naman ang labis na namangha sa aso dahil talagang tahimik lamang itong nakaupo at nakatanaw sa malayo hanggang sa nakatulog na ito ng mahimbing.

Marami ding mga netizens ang pumuri sa driver sa ginawa niyang pagmamalasakit sa aso. Sana rin daw ay mas marami pa sa atin ang makaunawa at kumalinga sa mga hayop na ito kaysa naman saktan o abandonahin natin sila.