Isang buntis na misis ang nagregalo ng Lamborghini sa kaniyang mister para daw sa mga gabing mapupuyat ito pag labas ng kanilang anak!

Hindi madali ang pagbubuntis o pagdadalang-tao at talaga namang buhay ng isang babae ang nakasalalay dito. Ngunit sa kabila ng napakaraming pagbabago at pagsasakripisyo ay pinipili pa rin ang maraming mga kababaihan ang maging isang ganap na ina.

Kamakailan lamang ay marami ang nagulat sa balitang ito kung saan ang isang buntis na misis ay nagdesisyong regaluhan ang kaniyang mister ng isang Lamborghini. Ang mapalad niyang mister ay ang 20 taon gulang na si Weldan Zulkefli.

Maraming mga netizens ang nagulat nang malaman ang dahilan ng misis sa pagreregalo nito ng mamahaling sasakyan sa kaniyang asawa.

“Our blessings have not stopped since we got married, he has taken such good care of me especially during my pregnancy,” Pahayag ng 19 na taong gulang na entreprenyur na si Anes Ayuni Osman mula sa Malaysia.

“Apart from being thankful for his sacrifice, I’m gifting him this Lamborghini because I want him by my side throughout my confinement.” Dagdag pa niya.

Ipinaliwanag din ni Anes na tradisyon na ng kanilang pamilya sa Kelantan na manatili sila ng 100 araw roon kung kaya naman 3 buwan ang ilalaan ng kaniyang mister upang siya ay maalagaan sa tahanan ng kaniyang mga magulang.

“I’m expecting my husband to not only be with me all the time but he has to care for the baby day and night because there’s a huge possibility that I will be having a Caesarean birth.” Komento pa ni Anes.

Ang Lamborghini ay isang Italian brand ng kotse para sa mga mamahaling sasakyan. Mas mahal ang Ferrari ngunit hindi rin naman biro ang presyo ng mga sasakyang ito.

@ayunieso24 #ad Bagi awl2 hadiah utk jaga sy dlm Pantang nnti 😘 Terima kasih suami , besar mana pun nilai hadiah ni takkan dapat balas kebaikan awk #fyp #ad #vitamilk ♬ Dengarkan Sayang – Kangen Band

Tunay ngang marami ang nagulat sa balitang ito dahil kadalasang ang mga mister ang gumagawa ng maraming mga pakulo para sa kanilang buntis na asawa para sa kanilang sakripisyo at paghihirap. Ngunit para kay Anes ay nais niya ring ipadama sa kaniyang asawa kung gaano niya ito kamahal lalo na at malapit na nilang makasama ang kanilang anak.