Isang buntis na buffalo, lumuhod at umiiyak, tila nagmamakaawa na huwag siyang katayin!

Marahil ay narinig na natin ang mga katagang, maging ang mga hayop ay may puso rin. Mayroon din silang pakiramdam lalo na sa mga bagay na nagaganap sa kanilang paligid.

Ngunit madalas ay hindi rin naman natin ito sineseryoso. Ngunit ang video na ito ng isang buffalo ay talagang pumukaw sa atensyon ng marami.

Kapansin-pansin kasi kung paanong ang isang buffalo ay umiiyak at lumuluhod na tila ba nagmamakaawa na huwag siyang katayin. Napili ang buffalo na ito na katayin sa isang slaughterhouse sa China upang maibenta nila ang karne nito.


Habang dinadala na ang naturang hayop sa lugar kung saan siya kakatayin ay tila naramdaman nito ang mangyayari sa kaniya. Ang slaughterhouse ay matatagpuan sa Shantou City, Guangdong Province sa South China.

Sa maiksing panahon ng pag-upload ng video online ay nagkaroon na ito agad ng milyong-milyong views. Makikita din sa video ang isang matandang lalaki na humahatak sa buffalo patungo sa slaughterhouse.

Ngunit hindi pumapayag ang hayop na sila ay makalakad o makarating roon. Maya-maya pa ay namataan nang lumuluhod ang buffalo, mukha siyang takot, malungkot, at naluluha ng mga oras na iyon.

“While the Buffalo was being dragged to the slaughterhouse, it started to kneel. In the slaughterhouse, the Buffalo started to kneel again and cry,” Pahayag ni Lin Wangbo na isa sa mga residente sa lugar.

Dahil sa dami ng mga animal lovers na nakapanuod ng naturang video, marami din ang nag-ambagan upang makalikom ng pera. Binili na nila ang buffalo upang di na ito katayin pa.

Ang buntis na buffalo ay dinala sa Huilai Jinshi Temple kung saan niya isinilang ang kaniyang anak.

Sa isa pang viral video ay nakitang lumuluhod muli ang buffalo hindi dahil sa nagmamakaawa ito kundi dahil labis labis ang kaniyang pasasalamat sa mga tao na naging dahilan upang hindi siya tuluyang makatay kasama na rin ang kaniyang munting supling.