Isang bride mula sa Singapore labis ang kaligayahan nang muling makita ang kaniyang Pinay nanny sa kaniyang kasal!

Noon pa man marami na sa ating mga kababayan ang talagang nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang kumita ng mas malaki at maiangat ang kanilang mga pamilya sa kahirapan. Hindi nila alintana ang hirap at dami ng sakripisyong kailangan nilang pagdaanan para lamang matupad ang kanilang mga pangarap.

Kahit pa nga malayo sa pamilya nang ilang taon at magtrabaho sa ibang bansa na mayroong ibang klima at kultura ay talagang tinitiis nila. Hindi man lahat ng mga OFW ay nagkaroon ng magandang karanasan sa kanilang pangingibang-bansa, marami pa rin ang nagpapasalamat nang lubos dahil nakatagpo din sila ng mga pamilyang hindi na iba ang trato sa kanila.

Halimbawa na lamang ang isang bride na ito mula sa Singapore. Sa araw ng kaniyang kasal ay muli niyang nakita at nakasama ang kaniyang Pinay nanny na siyang nagpalaki sa kaniya.

Hindi mapigilan ng bride na si Kelly Chua ang kaniyang kaligayahan nang masilayan ang kaniyang 72 taong gulang nang Pinay nanny na si Yaya Lita. Ang kaniya mismong kapatid na si Keith Chua ang siyang naghanda ng sorpresa na ito para sa kaniyang kapatid.

“She’s like a second mother to me. She’s 72 this year, and I really don’t know when’s the next time I’ll be able to see her again. It really means so much to me that she’s able to attend my wedding,” Pahayag ni Kelly.


Halos 27 taon ding nakasama ng pamilya ni Kelly si Yaya Lita kung kaya naman talagang naging malapit sila sa isa’t-isa. Kahit pa nga umuwi na ito sa Pilipinas ay patuloy pa rin ang komunikasyon nila sa isa’t-isa.

Talaga namang marami ang naantig sa muling pagkikita na ito ni Kelly at Yaya Lita. Bagamat sila sila magkadugo o magkapamilya ay natutunan din nilang mahalin at pahalagahan ang isa’t-isa.

Kung kaya naman talagang naging napakasaya at napakaganda ng araw ng kaniyang kasal.