Isang black leopard ang pinalaki at inalagaan ng babaeng ito na mayroong karanasan sa animal wildlife. Lumaki ang leopard bilang isang domestic cat!

Kadalasang nagkakaroon ng field trip ang maraming mga mag-aaral sa Pilipinas. At sa mga school trip na ito ay hindi mawawala ang pagdalaw sa ilang mga museo o di kaya naman ay zoo.

Patok na patok ang mga lugar na ito sa mga estudyante hindi lamang sa mga karagdagang kaalaman na kanilang maaaring matutunan dito kundi dahil na rin sa karanasang makita nang personal ang maraming mga antigo at mga hayop sa mga lugar na nabanggit. Maraming mga maiilap at “wild animals” na makikita sa mga zoo na napupuntahan ng mga mag-aaral.

Ngunit kahit kailan ay hindi sumagi sa ating isipan na alagaan ang mga wild animals na ito dahil sila ay talagang laki at sanay sa pamumuhay sa gitna ng kagubatan kasama lamang ang kanilang mga kauri. Ngunit kamakailan lamang ay mayroong isang babaeng napabalitang nagpalaki at nag-alaga ng isang black leopard!

Ang hayop na ito ay binigyan ng pangalang Luna. Pitong araw pa lamang ang nakakalipas nang isilang siya ng kaniyang ina ay inabandona na ang kawawang hayop.

At dahil kailangan nga nito ng espesyal na pagkalinga ay agad siyang tinulungan ng isang zoo upang maalagaan ng isang babaeng mayroong sapat na kaalaman at karanasan sa pag-aalaga ng mga wild animals. Lumaki bilang isang domestic cat si Luna.

Mayroon siyang espesyal na dyeta. Kailangan din niyang uminom ng bitamina para sa kaniyang stamina. Ang babaeng nagpalaki kay Luna ay mayroon ding isang alagang aso na si Vansa.

Kapansin-pansin ang pagiging malapit ni Luna at Vansa. Tila ba nakalimutan na ni Luna ang pagiging isang wild animal kung saan ito nagmula.

Lumaki kasi itong malakas, masigla, at masiyahan tulad ni Vansa. Kahit na mayroong iilang tao na pinahihintulutang magpalaki at mag-alaga ng mga hayop tulad ni Luna, dapat nating tandaan na illegal pa rin ang pagkuha ng mga hayop na ito depende sa lugar at bansa na inyong tinitirhan.