Isang biyaya mula sa Diyos, ilang mga minero ang nakatuklas ng “Heart-shaped Crystal Geode”!

Nitong mga nagdaang taon ay madalas na nating nababalitaan ang mga taong nakakadiskubre ng iba’t-ibang klase ng ginto, dyamante, at iba pang mahahalagang kayamanan sa mga parke, at iba pang lugar. Kamakailan lamang ay mayroong dalawang minero ang nakadiskubre ng ilang pambihirang bagay habang sila ay naghuhukay sa mga malalaking bato.

Ayon sa mga nauna nang ulat, ang dalawang minero na ito ay naghuhukay ng mga “ore” sa border ng Uruguay at Brazil. Sa kanilang pagtatrabaho ay nagulat sila nang may nakita silang dalawang makinang na bagay. Ito pala ay “amethyst” na hugis puso.

“It was a normal day at our mine located in the Catalan area in Artigas. The workers were just now allowed in the area to find more amethyst stones in the new mine,” Pagsasalaysay ni Marcos Lorenzelli ng Uruguay Minerals.

“After two or three hours, they moved a basalt rock and with the excavator machine, opened a heart-shaped amethyst geode — what a treasure!” Dagdag pa niya.

Madalas na asaran nilang magkakatrabaho ay ang hirap at pagod na kanilang nararanasan sa araw-araw kung kaya naman tiyak na makakatuklas at makakadiskubre talaga sila ng ilang magagandang bagay dito. Maraming mga tao ang nagsasabing marahil ay ito ang paraan ng ating planeta upang iparating ang pagmamahal nito sa atin kung kaya naman dapat lamang natin itong ibalik sa kaniya sa pamamagitan ng pag-iingat at pangangalaga dito.

Bagamat ito ay isang kakaiba at pambihirang bato na nadiskubre ng kompanyang Uruguay Minerals, hindi pala ito ang kauna-unahang hugis-pusong bato na mayroon sila. Dahil noon pa man ay gumagawa na talaga sila ng iba’t-ibang mga hugis ng mga bato mula sa mga “geode” na kanilang nahuhukay.


Sa ngayon ay wala pa silang balak na iproseso ang natagpuan ng dalawang minerong ito dahil ito ang kauna-unahang hugis-puso na nahukay nila na hindi na kailangan pang i-proseso.