Isang beteranong sundalo at aso nito, pumanaw nang oras lamang ang pagitan sa isa’t-isa!

Si Daniel Hove ay isang “Air Force veteran-turned-assistant fire chief”, ngunit nang matuklasan ng mga doktor na siya ay mayroon palang matinding karamdaman sa kaniyang pancreas ay agad na tumulong sa kaniya ang kaniyang mga kamag-anak at kaibigan. Ngunit sa kabila ng mga taong nagpapakita ng pagmamalasakit sa kaniya, wala pa ring hihigit sa kaniyang alagang aso na si Gunner na talagang hindi siya iniwanan.

Si Gunner ay 11 taong gulang na asong alaga ni Daniel at talagang malapit na malapit sila sa isa’t-isa. Marami sa mga larawan nila ang talagang umantig sa puso ng publiko.

Halos sa lahat ng mga larawan nila ay makikitang hindi lumalayo si Gunner sa kaniyang kaibigan na si Daniel. Ayon naman sa anak ni Daniel na si Heather Nicoletti, talagang “best buddies” ang kaniyang ama at ang alaga nito noon pa man.

“Hunting buddies” din daw ang mga ito. Dahil dito ay hindi na rin nagtaka ang mga taong nakapaligid sa kanila nang bigla na lamang ding magkasakit si Gunner nang naging malala na ang kondisyon ni Daniel.

Tila na nararamdaman din ni Gunner ang kalagayan ng kaniyang kaibigan.
“When my dad would get agitated, the dog would be agitated, my dad was restless, the dog was restless,” Pahayag ni Heather.

“My dad was unresponsive, the dog was unresponsive. So once we saw how the dog was doing–he wasn’t moving much anymore, not doing well– we knew, it was coming.” Dagdag pa niya.

Isang araw ay napansin ni Heather na namamaga na ang mga paa ni Gunner at talagang sobrang matamlay na ito. Dito na nila naramdaman na kailangan na nila siyang dalhin sa beterenaryo upang gawin ang nararapat.

Ilang oras lamang ang nakalipas ay hindi na rin nagtagal pa ang kaniyang ama na si Daniel at pumanaw na rin ito. Masakit man para sa kanila ngunit batid na rin naman niyang nasa mas maayos nang kalagayan ang kaniyang ama at ang kaibigan nitong si Gunner.