Isang bata sa Japan, nakatagpo ng dalawang bato na may kakaibang hugis, 400 milyong taon na pala ang mga ito na una nang nakita bago pa man ang mga unang dinosaurs!

Inakala ng isang batang ito mula sa Japan na Manganese lamang ang dalawang malilit na bato na kaniyang natuklasan. Nasa ika-anim na baitang pa lamang siya sa Wataru Keiji Elementary School ngunit agad na kinilala ang kaniyang nadiskubre at itinuring itong “historic breakthrough” matapos masuri ng isang museo.

Ang batang ito ay tinagurian ding “The boy with the ‘Eagle Eye’.” Hunyo nang madiskubre ni Makoto Hitani, 11 taong gulang ang naturang mga bato habang kasama niyang naglalakad ang kaniyang ama na si Kei.

Nakita siya ng kakaibang mga bato na makinang sa Senaba. Dahil nais nilang malaman kung ano nga ba ang mga batong ito ay agad silang nagtungo sa “Okinawa Stone Culture Museum” kung saan natuklasan na ang mga ito pala ay “ammonite fossils” na mula pa sa Paleozoic Era 400 milyong taon na ang nakalilipas!

Pulos papuri naman ang nasambit ng direktor ng naturang museo sa batang mayroong “good vision”. Dagdag pa ng direktor, malaki raw ang posibilidad na mula pa sa Morocco, North Africa ang mga batong ito.

Sa kanilang hinuha ay nadala ito ng mga sundalong Amerikano sa bansang Japan noon. Sa murang edad ay talagang interes na ni Hitani ang iba’t-ibang hugis at uri ng mga bato.
Mayroon siyang koleksyon at pag-aaral ng mga batong kaniyang nakukuha, napupulot, o nadidiskubre.

“At first, I thought it was manganese with an unusual shape. I thought it wasn’t unusual, so I was only surprised,” Pahayag ni Hitani.

“I am happy with the sense of accomplishment when I discover something difficult to find.” Dagdag pa niya.

Hunyo 20 naman nang magkaroon ng press conference sa Okinawa World sa Tamaki, Nanjo City ang direktor ng museo.
“I was able to recognize it because it was the eyes of a child who sees things carefully. I would like to call him ‘Eagle Eye.’” Pahayag ni Honorary Director Itsuro Ojo.