Isang bata ang gumamit ng plastic sa gitna ng bagyo maprotektahan lamang ang isang pusang nanganganak sa tabing-dagat!

Noon pa man ay madalas na tayong makaranas ng matinding sikat ng araw o di kaya naman ay matinding ulan sa iba’t-ibang panig ng bansa. Talaga namang nakakasanayan na natin ang ganitong klaseng mga panahon dahil na rin sa tayo ay napalilibutan ng katubigan.

Naging usap-usapan sa maraming bansa ang matitinding bagyong dumaraan at nararanas natin dito sa Pilipinas. Isa na nga marahil dito ang bagyong si Egay na talagang nanalanta ng husto nang mag-landfall ito noong taong 2015.

Sa kabila ng matinding panganib na dulot ng kalamidad na ito ay hindi natakot ang batang lalaking ito sa Manila Bay na tulungan ang isang pusang nanganganak ng mga oras na iyon. Talagang naghanda pa siya ng pantabing o pantakip na plastic upang hindi masyadong mabasa ang kawawang pusa habang siya ay nanganganak.

Bagamat halata sa mga larawan ang matinding alon at malakas na hangin ay nanatili pa rin ang bata sa kaniyang kinatatayuan. Bagamat hindi na nakilala pa ang tunay na pangalan ng bata sa larawan, marami namang mga netizens ang talagang namangha sa ginawang pagmamalasakit at pagtulong ng batang ito.

Sino nga namang tao ang uunahin pa ang kalagayan ng hayop sa kaniyang paligid bago ang kaniyang sarili? Talagang hinangaan ang batang ito at marami pang mga netizens ang nagkomento na dapat na tuluran ang batang ito sa ipinakita niyang kabutihang-asal.


Madalas kasing nakakalimutan na rin nating maging mabuting tao hindi lamang sa ating kapwa kundi maging sa mga hayop sa ating kapaligiran. Huwag sana nating kalimutan na tayo bilang mga tao ay pinagkatiwalaan ng Diyos na alagaan ang mga hayop, halaman, at mga bagay na nasa ating paligid.

Hindi magiging katanggap-tanggap kung tayo ay magiging mapanakit sa mga ito gayung kaya naman nating maging mapagmalasakit sa kanila. Bagamat hindi nakapagsasalita ang mga hayop na ito, tiyak naman na labis labis na pasasalamat ang kanilang nararamdaman sa ginagawa nating pagtulong sa kanila.