Isang baboy ramo na naghihingalo, namataan sa Mt. Apo ng ilang mga turista!

Makalipas ang maingay at nakakakabang eleksyon sa ating bansa ay naproklama na nga ang mga bagong pulitiko na mauupo sa pwesto. Hindi man naging maganda ang komento at diskusyunan patungkol dito, umaasa pa rin ang nakararami na magiging mapayapa at maayos na ang lahat mula sa ngayon.

Kaugnay ng mga bagong manunungkulan sa bayan ay ang mga problemang patuloy nilang pagsusumikapan na masolusyunan. Tunay ngang kabi-kabila ang problemang kinakaharap natin ngayon, hindi lamang dahil sa pandemyang hanggang ngayon ay nararanasan pa rin natin.

Kundi maging sa napakalaking utang ng ating bansa. Gayundin naman, marami din tayong kinakaharap na problema pagdating sa ating kapaligiran.

Isa na riyan ang climate change at global warming. Hindi lamang tayo ang apektado nito kundi maging ang mga hayop sa ating paligid.

Kamakailan lamang ay mayroon na namang isang video ng kawawang hayop na natagpuan sa Mt. Apo. Nakakaawa at talagang kalunos-lunos ang kalagayan nito dahil tila naghihingalo at hinang-hina na ang baboy ramo.

Noon pa man ay madalas na raw makita ang mga hayop na ito sa sikat na tourist destination. Noong una ay marami pa nga ang namangha dahil talagang endangered na ang karamihan sa mga lahi nito.

Ngunit mayroon pa rin palang mamamataang ganito sa ating bayan. Ang naging pinakahuling video ng baboy ramo na ito ay kuha mismo ni Arjay Estabaya noong Mayo 14, 2022.

Ayon kay Arjay, tila raw humihingi ng tulong sa kanila ang kawawang hayop na talaga namang payat na payat at hinang-hina na. Hirap na daw itong maglakad dahil sa nakabaon na lubid sa isang paa nito.

Gusto sana nilang lapitan ang baboy ramo ngunit natatakot sila dahil nagpapakita rin ito bagsik sa tuwing may lumalapit dito. Nanawagan din sila sa DENR na sana ay maaksyunan ito kaagad.

Maaalalang nagpatupad na noon ng mahigpit na pagbabawal sa pag-aakyat ng mga pork products sa Sta. Cruz upang maiwasang mahaw ng African Swine Fever ang mga baboy ramo.