Isang baboy ang lumaki kasama ang limang mga aso na ngayon ay inaakala na ring siya ay isa sa kanila!

Madalas na nating marinig ang mga katagang “Dog is a man’s best friend.” Ngunit tila mayroong ilang mga hayop na hindi sasang-ayon sa kasabihang ito.

Tulad na lamang halimbawa ni Chowder – siya ay anim na taong gulang na potbellied Vietnamese pig. Hindi katulad ng kaniyang mga kalahi ay mayroon siyang kasamang limang mga aso sa kanilang tahanan.

Ang mga rescued dogs na ito ay sina Rika, Slick, Nya, James, at Bashe. Ang kaniyang fur parent naman ay walang iba kundi si Shelby Madere na taga-Southern California.

Tunay namang nakakatuwang maging alaga ang mga asong ito ngunit pinatunayan din naman ni Chowder na siya ay napaka-cute din tulad ng kaniyang mga kaibigang aso. Kilala ang mga baboy na mababait at matatalino.

Marahil ay marami na rin sa ating mga Pilipino ngayon ang nakakita na o nakaranas nang mag-alaga ng mga baboy hindi upang ibenta o gawing negosyo kundi para maging isang pet.

“When I look at my team, I see the reflection of who I am in them. Your happiness, your safety, your health, your whole life depend on me, and I will never let you down.” Komento ni Shelby.

Hindi nagpapahuli si Chowder sa tuwing maglalaro ang kaniyang mga kaibigang aso sa kanilang bakuran. Tulad nila ay mayroon din siyang suot na collar.


Noon pa man ay marami na sa atin ang nag-aalaga ng mga hayop sa kanilang mga tahanan. Hindi lamang upang maging isang pet kundi maging isang kaibigan na rin at bahagi ng kanilang pamilya.

Masarap din sa pakiramdam na mayroon kang kaibigan na naririyan palagi para sa iyo. Maaaring hayop lamang sila sa paningin ng iba ngunit sa paningin ng kanilang mga amo ay isa silang anak, kapatid, o di kaya naman ay matalik na kaibigan.

Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na marami talaga sa atin ngayon ang nag-aalaga ng mga hayop kahit gaano pa tayo kaabala sa trabaho o sa personal nating mga buhay.