Isang babaeng nagpakasal sa isang puno, nagpalit na rin ng kaniyang apelyido na “Elder” dahil sa kaniyang asawang “Elder tree”!

Marami na tayong mga nababalitaan na kakaibang bagay sa ngayon. Ngunit madalas ay talagang nakakagulat pa rin ang mga balitang ito lalo na kung tungkol sa pagpapakasal ng isang babae sa isang matandang puno!

Marahil, ilang daang taon na ang nakararaan, mayroon talagang mga sibilisasyon na nagpapakasal sa mga puno, halaman, at iba pang mga bagay sa ating kapaligiran. Maging ang ilang mga relihiyon noon ay naniniwala din sa mga puno, halaman, bundok, at marami pang kakaibang bagay.

Kamakailan lamang ay marami ang nagulat dahil sa kwento ng isang babaeng ito na nakilala natin bilang si Kate Cunningham. Sa edad kasi niyang 37 taong gulang ay nagdesisyon siyang magpakasal sa isang puno na may pangalang “Elder Tree” sa Rimrose Valley Country Park sa Sefton.

Sa ngayon ay tatlong taon na siyang nagdiriwang ng kapaskuhan kasama ang pinakasalan niyang puno. Taong 2019 pa nang siya ay magpakasal sa Sefton, Merseyside.

Kahit na abala siya sa pag-aalaga sa anak niyang mayroong special needs, hindi pa rin niya nakakalimutang dalawin ang kaniyang asawang puno limang beses sa isang linggo! Mayroon pa nga itong dekorasyon o palamuti na wreath, tinsel, at baubles na pangPasko.
Hindi rin niya pinapalampas ang Boxing Day dahil ipinagdiriwang niya rin ito kasama ang puno. Ayon kay Kate, nagpakasal siya dahil sa nais niyang magpakita ng protesta sa ipinapatayong bypass sa kanilang local country park.

Maraming mga netizens ang nagkomento at nagpahayag ng kanilang pagkabigla sa pagpapakasal na ito ni Kate sa isang puno ngunit mayroon din namang mga nagpakita ng suporta at paggalang sa kaniyang naging desisyon. Dagdag pa ni Kate, mas naging maayos daw ang kanilang buhay mula nang magpakasal siya sa punong ito.

Sa ngayon ay nakagawian na rin niyang maghanda ng mga Christmas cards kung saan naglalagay siya ng mga katagang “With Winter Wishes, From Mr. and Mrs. Elder”.