Isang babaeng madalas tawaging panget ng mga taong nakapaligid sa kaniya, nagkaroon ng pambihirang pagkakataon na mabago ang kaniyang buhay!

Sa panahon natin ngayon na talagang laganap na ang teknolohiya at marami na rin tayong modernong kagamitan, hindi maiiwasan na mas tumaas ang mga batayan ng marami sa atin pagdating sa maraming mga bagay. Isang magandang halimbawa na marahil ang batayan natin sa panlabas na kaanyuan.

Noon pa man ay natural na sa maraming mga Pilipino ang pagkakaroon ng kayumangging balat at hindi masyadong matangos na ilong. Ngunit sa paglipas ng panahon ay mas dumarami na ang nagkakaroon ng pagkakataong gumamit ng mga pampaputi o di kaya naman ay uminom ng mga gamot na makapagpapaputi ng kanilang mga balat.

Nakakalungkot lamang isipin na dahil sa ilang mga paniniwala at pananaw natin patungkol sa kagandahan ay marami na rin palang nakakaranas ng panlalait o panghuhusga mula sa kanilang kapwa. Tulad na lamang halimbawa ng 22 taong gulang na si Kuok mula sa Vietnam.

Bata pa lamang siya ay marami nang kumukutya sa kaniya dahil sa kaniyang ilong at makapal na labi. Hindi rin siya gaanong maputi tulad ng ilang mga dayuhan. Dahil dito ay madalas siyang makaranas ng pang-aasar mula sa kaniyang mga kaklase at kakilala.


Nang matapos na ang kanilang eskwela ay nagkaroon ng anunsyo patungkol sa isang match-making session kung saan inilarawan si Kuok bilang isa sa pinakapanget na mga babae roon. Talaga namang nasaktan siya ng husto dahil dito ngunit hindi ito naging dahilan upang siya ay sumuko.

Nagkaroon siya ng pagkakataong sumailalim sa isang plastic surgery sa halagang RM61,800. At talaga namang naging napakaganda ng kinalabasan nito. Masayang masaya siya sa hitsura niya ngayon at mas nadagdagan pa ang kaniyang kompiyansa sa kaniyang sarili.

Hindi nagtagal at nakakilala din siya ng lalaking tatanggap at magmamahal sa kaniya. Ang kaniyang asawa ay isang mayamang lalaki na nakapagmana ng malaking halaga mula sa pamilya nito.

Talaga namang marami ang nainggit kay Kuok sa pambihirang pagbabago na naranasan niya.