Isang babaeng hiker ang hindi inaasahan na makakakita ng ganitong klase ng hayop sa kaniyang daan!

Si Heather Bolint ay isang 31 taong gulang na “animal activist” at isang “self-proclaimed chicken whisperer”. Nagdesisyon siyang iwanan na ng tumuyan ang kaniyang trabaho upang tuparin ang kaniyang pangarap na akyatin ang kilala at pamosong “Appalachian National Trail”.

Ang napakagandang lugar na nais niyang marating ay tahanan rin para sa mga hayop katulad ng American black bear, deer, at mga reptiles na tulad ng timber rattlesnake. Habang nasa kaniyang paglalakbay ay hindi niya lubos akalain na makikita niya ang kakaibang hayop na ito. Isang bihira at kakaibang “rooster” o tandang.

Halos 1,124 miles na rin ang nalakbay ni Heather. Inilarawan niya ang tandang na kaniyang nakita bilang isang “fancy rooster”.


“I was completely incredulous when I found him,” Pahayag ni Bolint.

Ang kakaibang tandang pala ay isang Polish crested rooster na mayroong ginto at puting mga balahibo. Hindi siya sigurado kung babalik pa ba ang amo ng tandang kung kaya naman naghintay na siyang lumubog ng bahagya ang araw baka siya tuluyang umalis.

Namahinga na rin siya ng mga oras na iyon ngunit hindi dumating ang amo nito. Walang kahit anong bahay sa paligid at malayo layo pa ang pinakamalapit na nayon sa kanila.

“But he just stuck around. I was afraid that someone just dropped him off here because it was a quiet country road, and because he was a rooster, which people don’t always desire.” Dagdag pa niya.

Dahil dito ay nagdesisyon siyang isama na lamang ang tandang sa kaniyang paglalakbay. Pinangalanan niya itong Eddie.

“I held him in my arms and continued 15 more miles in 80 degree, humid weather until the sun began to set.” Pagkukwento pa niya.

Halos 24 oras din siyang naglakbay mula Pennsylvania hanggang West Virginia na mayroong layo na 42 miles. Humanga si Heather dahil hindi naging malikot o pasaway ang tandang bagkus ay nasa loob lamang ito ng kaniyang kapote o kaya naman ay nakaupo sa kaniyang kamay.

Parehas din silang natulog sa kaniyang tent kung saan napansin niyang mahimbing ang tulog ni Eddie. Nagulat din siya dahil sa halip na siya ang gisingin nito ay siya pa mismo ang gumising kay Eddie.

Hindi rin naman nagtagal at narating na nila ang Appalachian Trail Concervancy headquarters sa West Virginia. Dito na niya iniwanan si Eddie sa Poplar Spring na isang farm animal sanctuary.