Isang babaeng bumisita lamang sa isang parke, agad na nakatagpo ng isang 4.38 carat yellow diamond nang wala pang isang oras nang paghahanap!

Isang babaeng turista ang bumisita kamakailan lamang sa Crater of Diamonds State Park sa Arkansas kasama ang kaniyang asawa. Noon pa man ay kilala na talaga ang lugar na ito na kung saan marami talagang namamataan at natatagpuang diamond.

Bukas din ito sa publiko kung kaya naman talagang marami ang nagkakainteres na bumisita dito. Ang turista ngang ito ay hindi inakala na wala pang isang oras ay makakakita na siya ng isang diamond!

Hindi lamang ito basta basta isang diyamante dahil ito ay isang 4.38 carat yellow diamond. Ang mapalad na turista ay nakilala bilang si Noreen Wredberg at ang kaniyang mister naman ay nakilala bilang si Michael.

Nais lamang nilang maglibang at mamasyal kung kaya naman nagdesisyon silang bisitahin ang lugar na ito at hindi talaga nila inaasahan na makakahanap sila ng isang napakagandang diamond.

“I didn’t know it was a diamond then, but it was clean and shiny, so I picked it up,” Kwento ni Noreen.
Ayon naman sa park interpreter na si Waymon Cox, ilang araw na ring umuulan bago pa man magtungo sa parke ang mag-asawa na mula sa Granite Bay sa California. Naging napakagandang pagkakataon nito upang mahanap nila ang naturang bato.

“When rain uncovers a larger diamond, and the sun comes out, its reflective surface is often easy to see. Noreen took less than an hour to find a diamond.” Komento ni Cox.

Noon pa man ay pinahihintulutan na talaga ang mga turista na bumibisita sa parke na iuwi ang kung ano mang bato na makukuha nila sa lugar. Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 75,000 na mga diamonds ang natatagpuan mula pa noong 1906.

Taong 2020 naman ay mayroong 258 na mga diamonds ang nahukay na nasa 46 carat ang timbang. Taong 2020 din naman nang mayroong lalaki mula sa Arkansas ang nakahukay din ng ikalawa sa pinakamalaking diyamanteng natagpuan sa parke mula nang maitayo ito.

Habang ang natagpuan naman nina Noreen ay ikatlo sa pinakamabigat.