Isang babae labis na nalungkot nang hindi sumipot ang kaniyang mga kaibigan sa inihanda niyang salo-salo para sa kanilang friends giving day!

Sa buhay na ito na talaga namang maraming pagsubok at problema, masarap pa din sa pakiramdam na mayroong taong nagmamalasakit at nagmamahal sa iyo. Hindi lamang kapamilya o kamag-anak ngunit maging mga kaibigan na kahit hindi mo kadugo ay talagang sumusuporta pa rin sa iyo.

Marami sa atin ang pinagpala ng lubos pagdating sa mga kaibigan. Mayroon tayong mga kaibigan na talagang kahit abala sa kanilang personal na buhay o sa kanilang mga trabaho ay nagagawa pa ring mangumusta sa isa’t-isa.

Kung kaya naman marami pa rin sa atin ang talagang nagpapahalaga sa mga ganitong klase ng kaibigan. Marahil, ito rin ang nasa puso at isipan ng babae na nakilala sa pangalang Maryan. Talagang naghanda siya ng isang friends giving party para sa kaniyang mga kaibigan.

Binuhos niya ang kaniyang atensyon at oras para lamang maihanda ang maraming mga pagkain at dekorasyon para sana sa pagpunta ng kaniyang mga kaibigan sa naturang salo-salo. Ngunit sa araw mismo na iyon, kahit isa ay walang pumunta sa kaniyang mga kaibigan.

Noong una ay inakala pa niyang late lamang ang mga ito. Ngunit makalipas ang tatlong oras na paghihintay ay tinanggap na niyang wala na talagang darating ni isa man sa kaniyang mga kaibigan.


Agad naman niyang sinabi ito sa kaniyang nobyo na si Christian Zamora. Dahil batid ng nobyo ang ginawang paghahanda ni Maryan sa espesyal na araw na ito, hindi siya pumayag na malungkot na lamang ang kaniyang minamahal.

Agad niyang tinawagan ang kaniyang mga kaibigan na agad din naman pumunta sa inihandang salo-salo ni Maryan, mayroon din silang dalang mga pagkain at inumin na kanilang pinagsalu-saluhan. Talaga namang napalitan ng kasiyahan ang pagkadismaya at kalungkutan ni Maryan. Buti na lamang at nariyan ang kaniyang kasintahan at ang mga tunay na kaibigan ito.

@kidalloy #answer to @spidermark790 ♬ original sound – KIDALLOY

Ikaw, naranasan mo na rin ba ang ganitong klase ng sitwasyon? Anong klase ng mga kaibigan palagay mo ang mayroon ka?