Isang babae ang tumigil sa pag-aaral upang mag-alaga ng Koi fish nang mabayaran niya ang utang ng kaniyang ama na US$6M! Ngayon ay isa na siyang matagumpay na Koi fish farmer!

Sa ating buhay, talagang marami tayong pagdadaanan na mga pagsubok. Marahil ay nasa sa atin na lamang kung paano natin kakaharapin ang mga ito. Kamakailan lamang ay naging inspirasyon sa marami ang kwento na ito ng isang anak mula sa Taiwan.

Siya ay binansagang “Queen of Koi Fish”. Upang mabayaran ang napakalaking utang ng kaniyang ama ay nagdesisyon siyang iwanan na ang pagkokolehiyo at magpalaki na lamang ng mga isda.

Sinong mag-aakala na sa ngayon ay magkakahalaga na ng US$2,302,550.00 ang isang Koi fish? Si Zhong Yingying ay isa sa mga mapapalad na taong isinilang nang may gintong kutsara sa kaniyang bibig.

Ang net worth noon ng kaniyang pamilya ay umabot na sa US$17M. Ang kaniyang pamilya ay nagmamay-ari ng fish farm at agriculture business. Kung kaya naman talagang naging masagana ang kaniyang buhay noong kaniyang kabataan.

Marami silang mga kasambahay noon, mahigit isang dosena, mayroong Rolls Royce sa kanilang garahe at talagang napakaraming mga bagay ang kanilang tinatangkilik. Sa edad na 26 taong gulang ay nagkaroon ng malaking utang ang kaniyang ama na nagkakahalaga ng US$7,050,800.00.

Halos araw-araw na lang ay talagang may naniningil sa kanila. Tatlong hektarya ng fish pond at koi pond na lamang ang natira sa pamilya.


Wala siyang ibang nagawa noon kundi isantabi muna ang kaniyang pag-aaral sa Tsinghua University at pagtuunan ng pansin ang kanilang family business. Ang dating prinsesa sa isang malawak na kastilyo ay tila ba naging real-life Cinderella.

Nakabilad sa init at lamig, halos apat na oras na lamang natutulog sa loob ng isang araw magawa lamang ang lahat ng dapat niyang gawin sa kanilang natitirang negosyo. Lumipas pa ang ilang taon at dumating na ang swerteng pinakahihintay ng kaniyang pamilya.

Unti-unti niyang napalago at naipakilala sa Europa ang kanilang mga koi fish. Tinangkilik ito ng marami hanggang sa kumikita na siya ng malaki.

Tunay nga na dito na nagsimula ang napakarami pang pagsubok at pagtatagumpay na kaniyang naranasan at patuloy na tinatamasa sa ngayon.