Isang babae ang tila nakipag-flirt pa sa isang lalaki matapos nitong mabangga ang kaniyang sasakyan!

Isang babae ang namataang nakikipag-flirt sa isang lalaking ito matapos ang isang karambola! Inakala pa nga nang mga taong naroroon na magkasintahan sila dahil talagang hinahawakan pa ng babae ang mga kamay ng lalaking ito at niyayakap.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang pagkakaroon ng isang sasakyan ay talagang mahal. Maging ang maintenance nito at gasulina ay talagang pamahal na rin ng pamahal. Lalo na kung ang sasakyan ay masasangkot pa sa isang banggaan o karambola.

Marami ding mga kotse ang mahirap hanapan ng mga parte kung kaya naman talagang kakailanganin mong gumastos at maglabas ng pera. Ngunit hindi inaasahan ng publiko ang ginawang ito ng isang babae mula sa Guilin, Guangxi, China.

Nabangga niya ang sasakyan ng isang lalaki at talagang makikita ang naging matinding sira ng naturang sasakyan. Hindi naging malinaw kung insured ba ang babaeng driver na ito dahil nang mangyari ang aksidente ay agad na nitong nilapitan at hinamplos-hamplos ang lalaki.

Nakaantabay din naman ang maraming mga tao roon kung bibigay nga ba ang lalaki sa pagpapa-cute ng babaeng ito. May mga nakarinig din sa babae habang sinasabi nito sa tenga ng lalaki na ang lahat naman ay maaaring maresolba.

Tila hindi naman nadadala ang lalaki sa mga sinabi ng babae at tinanong nito kung paano mareresolba ng babae ang nangyari. Kaya daw gawin ng babae ang lahat sagot nito.
Malinaw ang nais mangyari ng babaeng ito ngunit halata rin naman sa mga kilos ng lalaki na ayaw niyang makipag-areglo sa naturang babae. Kailangan talaga ng babae na bayaran ang pinsalang nangyari sa sasakyan ng lalaking nakasuot ng kulay itim na damit.

Hindi na bago sa atin ang mga ganitong klase ng pangyayari. Maaaring marai ang nagiging biktima nito lalo na sa mga kalalakihan na nagpapadala sa tukso ngunit mayroon din namang iilan na talagang alam ang tama at mali kung kaya naman mas nagiging matatag sila sa kabila ng mga tuksong ito.