Isang babae ang nag-donate sa kaniyang nobyo ng kaniyang kidney ngunit 7 buwan lamang ang nakalipas ay niloko at hiniwalayan siya nito!

Hindi napigilan ng maraming mga netizens ang mainis sa sinapit ng babaeng ito na nakilala bilang si Colleen. Marami siyang tagahanga sa social media site na TikTok.

Taong 2015 daw noon nang magkrus ang landas nila ng kaniyang dating nobyo. Nang mga panahong iyon ay alam na daw niya ang sakit nito.

Sampung taon na palang may karamdaman ang kaniyang nobyo. Dahil dito ay nagdesisyon siyang tulungan at ibigay na lamang dito ang isa niyang kidney.

Ilang buwan din ang hinintay nila upang makumpirma kung compatible nga ba ang kidney ng dalaga sa kaniyang nobyo. Lumipas pa ang ilang buwan at naging matagumpay naman ang naturang operasyon.

Labis labis ang pasasalamat ng pamilya ng dati niyang nobyo dahil sa kaniang ginawa. Naging maayos at maganda naman ang kanilang relasyon ng mga sumunod pang panahon.

Hanggang sa nagpaalam ang kaniyang nobyo sa kaniya na pupunta raw ito sa Las Vegas upang dumalo sa isang party. Dahil tiwala naman siya sa kaniyang nobyo ay hindi niya ito pinaghinalaan pa.


Agad siyang pumayag sa kagustuhan ng kaniyang nobyo na kilala niya na isang relihiyosong tao.
“He was texting me all throughout… he wanted me to be there, and how much he wanted to read the bible. I didn’t think that anything was going to happen in Vegas, because he portrayed himself as a really religious man.” Pahayag ni Colleen.

Lumipas pa ang ilang araw at nagulat na lamang siya sa ipinagtapat sa kaniya ng kaniyang nobyo na nagloko daw ito. Labis siyang nasaktan ngunit pinatawad pa rin niya ang kaniyang nobyo.

Hindi niya namalayan na nagkaroon pala siya ng insecurities at talagang nahirapan na siyang magtiwalang muli. Naging madalas din daw ang kanilang pag-aaway na kalaunan ay nauwi na rin sa paghihiwalayan.

Ayon din kay Colleen, hindi naman daw niya pinagsisihan ang naging desisyon niyang ibigay ang kaniyang kidney sa dating nobyo. Ngayon ay masaya na rin siya sa piling ng bagong pag-ibig na kaniyang natagpuan.