Isang Australian plant kamukhang-kamukha ng isang grupo ng hummingbirds na animo’y lumilipad!

Minsan, akala natin nakita at nasilayan na natin ang lahat ng kagandahang mayroon ang mundo, ang ating kapaligiran, at ang ating kalikasan. Ngunit marami pa rin pala tayong mga magagandang bagay na hindi pa nasasaksihan.

Tulad na lamang halimbawa ng isang halaman na ito mula sa Australia. Sa unang tingin ay parang isang ordinaryong halaman lang naman talaga ito, mayroong dahon, tangkay, at kulay berde o luntian din naman.

Ngunit marami ang nakapansin sa kakaibang hugis at imahe nito. Ayon sa naturang post ang mga halaman daw na ito ay talagang maliliit na mga hummingbirds kung iyong titingnan nang malapitan.

Dahil sa mga nakakamanghang larawan ay marami talaga ang nag-react, nagbigay ng kanilang komento, at nag-like sa naturang social media post. Maraming mga netizens ang nag-comment kung paanong nangyari na talagang kamukhang-kamukha ng mga ibon ang halaman na ito.

Nakakagulat man ngunit totoong nangyayari at nakikita natin ang ganitong klase ng kaganapan. Ayon naman sa isa pang netizen, ang naturang mga halaman ay mayroong scientific name na “Crotalia cunninghamii” o sa simpleng salin ay isa itong regal birdflower o green birdflower.

Matatagpuan ang plant species na ito sa hilagang bahagi ng Australia. Madalas itong tumubo malapit sa dalampasigan o di kaya naman ay sa mga lugar na mabuhangin.

Nagagamit din ito ng mga lokal doon bilang panggamit sa impeksyon sa mata. Ayon din sa ilang mga ulat, maaaring optical illusion din o “pareidolia” ang ating nararanasan sa tuwing nakikita natin ang mga halamang ito.

Mayroon kasing anggulo kung saan talagang makikita at masisilayan mo ang imahe ng mga hummingbirds na ito. Para sa iba pang mga ibon at mga hayop, ito ay nananatili pa ring isang halaman.

Hindi rin naman daw maaaring “biological mimicry” ito kung saan ang mga halaman ay mayroong hugis at forms ng ibang hayop upang maprotektahan ang kanilang mga sarili mula sa mga “predators”.