Isang asong nagligtas sa amo nito itinuturing na bayani ngayon matapos isakripisyo nito ang sarili at himalang nakaligtas ang amo mula sa pagkakakuryente!

Mapalad ang karamihan sa atin dahil hindi man tayo mayaman ay talagang marami pa ring tao ang nagmamahal at sumusuporta sa atin. Sa kabila ng hindi mabilang na problema at pagsubok sa ating buhay ay talagang nagagawa pa rin nating maging matatag at manatiling positibo sa araw-araw.

Lingid sa ating kaalaman, hindi lamang mga tao ang ating nakakasama at nakakasalumha sa araw-araw kundi maging ang ating mga alagang hayop. Aso, pusa, ibon, rabbit, isda, hamster, at marami pang iba ang madalas nating alagaan o gawing pet.

Madalas na nakapag-aalis sila ng stress at kalungkutan na nadarama natin sa araw-araw. Ngunit higit pa rito ay sila rin pala ang maaaring magligtas ng ating mga buhay.

Kamakailan lamang ay marami ang nagulat sa balitang ito kung saan iniligtas ng isang alagang aso ang kaniyang amo mula sa matinding kapahamakan. Ayon diumano sa uploader na si Gemini Traya Aligato, naghahanda ang nakababatang niyang kapatid para sa lamay ng kanilang ina.

Ngunit aksidente daw itong nakuryente sa isang alambre. Agad daw itong nakita ng alaga nilang aso na agad namang tumulong sa kaniyang amo.

Kinagat nito ang alambre ngunit hindi rin nagtagal ay binawian ito ng buhay dahil sa matinding pagkakuryente. Laking pasasalamat naman ng buong pamilya dahil nakaligtas ang kanilang kapatid ngunit labis din silang nalungkot dahil sa pagkakasawi ng kanilang alagang aso.

Tunay ngang napakasakit ding makita ang mga alaga nating hayop na nahihirapan at nasasaktan ngunit sa kabila nito ay naging napakalaki rin ng utang ng loob natin sa kanila dahil sa katapatan at pagmamahal nila sa atin. Kung nakakapagsalita lamang ang kanilang alagang aso ay tiyak na sasabihin nitong masaya siya dahil sa kahuli-huling sandali ay nailigtas niya ang kaniyang amo at hindi niya pinagsisisihang isakripisyo ang sarili niyang buhay para sa kaniya.

Talaga namang nakakamangha ang mga alaga nating hayop, hindi ba?