Isang aso na nakalagay ang ulo sa upuan habang tila naghihintay sa iaabot sa kaniya na tiring pagkain, umantig sa puso ng mga netizens!

Sa hirap ng buhay natin ngayon sabayan pa ng pandemya na patuloy pa rin nating nararanasan ay talagang maraming mga Pilipino pa rin ang nagtitiyaga sa araw-araw. Sinisikap na maging positibo at matatag sa mga pagsubok na dumarating.

Ngunit kung tayo pala ay hirap na sa sitwasyon natin ngayon, mas mahirap pala ito para sa mga hayop na walang tirahan at walang amo na nag-aalaga. Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang naantig sa larawan na ito ng isang aso na nakadantay ang ulo sa isang upuan at tahimik na naghihintay na mayroon man lamang magbigay sa kaniya ng tirang pagkain.

Ngunit ayon sa uploader ng naturang mga larawan ay tila walang pakialam ang mga tao sa kaniyang paligid sa tila gutom na gutom nang aso. Maraming mga netizens din ang nagalit at nagbahagi ng kanilang saloobin na sana naman ay binigyan man lamang nila ng kaunting pagkain ang kawawang aso.

Tahimik naman daw itong naghihintay at talagang tila isang tao na nangungusap sa mga kostumer. Ngunit kahit pa nga mayroong “five senses” ang mga taong ito sa kaniyang paligid, tila hindi nila maintindihan o ayaw lamang nilang intindihin ang aso.

Kahit sino naman ay agad na mararamdaman na ang aso na ito ay talagang gutom na gutom na dahil sa harapan mismo ng mga kostumer na kumakain siya pumuwesto. Tila ba nagbabakasali na mayroon man lamang maawa sa kaniya at magbigay ng kanilang tirang pagkain.

Mayroon din namang ilang netizens na nagkomento na kung maaari sana ay magbaon ang bawat isa sa atin ng biskwit o tinapay. Sa pamamaraang ito ay makakatipid na sila sa tuwing sila ay magugutom at maaari pa silang makapagbigay ng pagkain sa mga makikita nilang hayop sa daan.

Tunay nga na kailangan ding malaman ng lokal na pamahalaan ang mga ganitong pangyayari upang sila mismo ay magkaroon ng pagkakataon na umaksyon ang gumawa ng paraan bilang pangangalaga na rin sa mga hayop na walang tirahan at walang amo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *