Isang aso kasama ang ilang mga tuta nito, pumasok sa isang bahay upang hindi sila mabasa ng malakas na ulan!

Marahil marami na sa atin ang nalagay sa mahirap na sitwasyon. Hindi man natin ito gusto, hindi man tayo komportable ay wala tayong magagawa dahil kailangan nating malagpasan ang mga mahihirap na pagsubok na ito.

Madalas nating marinig na bahagi lamang ito ng buhay kung kaya naman dapat ay masanay na rin tayo ngunit hindi rin naman natin maiwasan ang malungkot o manlumo sa tuwing mahaharap tayo sa ganitong sitwasyon. Maliban sa atin, kahit pala mga aso ay nahaharap din sa ganitong mahirap na sitwasyon.

Tulad na lang ng isang nanay na asong ito na kinailangan pumasok sa bahay ng estranghero upang kahit papaano ay mailigtas ang kaniyang mga anak sa malakas na pagbuhos ng ulan. Ayon sa ilang mga nauna nang artikulo, tila nakiusap ang nanay na asong ito sa may-ari ng bahay na sila ay papasukin dahil sa talagang napakalamig na ng temperatura sa labas at mas lalo pang lumalakas ang ulan.

Hindi naman nagdalawang-isip ang may-ari ng bahay na patuluyin ang kawawang mga hayop. Kapansin-pansin din ang ipinakita ng nanay na aso dahil tila pinipigilan nito ang makatulog ng mahimbing.


Sa tuwing mapipikit kasi ito sa labis na antok ay agad din itong gigising upang silayan ang kaniyang mga tuta na mahimbing nang natutulog. Ilang beses pang nakatulog at biglang gumising ang aso hanggang sa tuluyan na niyang hindi napigilan ang antok.

Naawa naman ang may-ari ng bahay kung kaya kinupkop na rin nila ang mga asong ito. Nakita kasi nila kung paano protektahan ng ina ang kaniyang mga maliliit na tuta.

Ayaw niyang mawalay at masaktan ang kaniyang mga malilit na anak kung kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang ginagawang pagpipigil sa kaniyang sarili na makatulog. Nakakamangha at talagang nakakabilib ang asong ito.

Nakakalungkot lamang isipin na hanggang sa ngayon ay marami pa ring mga tao ang nag-aabandona ng mga kawawang aso sa lansangan. Di nila alintana kahit malamigan, magutom, magkasakit, at tuluyang masawi ang mga ito.