Isang aso, bigla na lamang nasuka nang maamoy ang mabahong sapatos na ito ng isang lalaki!

Marahil ay narinig na natin o nabasa mula sa ilang mga artikulo na mayroong ilan mga hayop na mayroong malakas na pang-amoy. Talagang napakatalas ng kanilang pang-amoy na kahit ang nilulutong ulam ay kaya nilang maamoy ang amoy ng sibuyas at iba pang mga sangkap dito.

Marahil isa rin ito sa mga dahilan kung kaya naman marami tayong mga aso ngayon na katuwang ng ating kapulisan upang masugpo ang krimen at terorismo. Marami din sa atin ang mayroong mga alagang hayop sa harap ng ating mga tindahan o tahanan upang kahit papaano ay maprotektahan tayo mula sa mga masasamang-loob.

Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang nagulat sa video na ito ng isang aso na talagang masuka-suka nang amuyin nito ang sapatos ng isang lalaki! Isang aso sa China ang talagang nabiktima ng mabaho at tila masangsang na amoy ng sapatos na hindi na niya napigilan pa ang pagsuka.

Isang grupo ng mga kalalakihan ang namataan sa harap ng isang tindahan. Hindi sila masasamang tao dahil ang kailangan lamang nilang gawin ay ang palitan ang bombilya ng naturang establisyemento.


Agad namang umakyat sa isang bangko ang isa sa mga lalaking ito upang maayos ang naturang ilaw. Dahil sa natural namang inaamoy ng mga aso ang kahit anong makita nila, agad na inamoy ng aso ang naiwanang sapatos ng lalaki habang nagtatanggal ito ng bombilya.

Habang inaamoy ng aso ang sapatos ng lalaki ay bigla na lamang itong tumakbo sa tabing-kalye at dito na nga siya nasuka. Kawawang aso na kinailangan pang maranasan ang matinding pangyayaring ito.

Ang foot infection o “bromodosis” ay maaari namang magamot sa pamamagitan ng simpleng “foot treatments” o maayos na hygiene. Ngunit kung ito ay pababayaan at hahayaan na lamang ay tiyak na hindi magiging maganda ang epekto nito.

Kung kaya naman dapat ay maging malinis tayo sa ating katawan sa lahat ng pagkakataon hindi lamang para sa ating mga sarili kundi para na rin sa mga tao o hayop na nakapaligid sa atin.