Isang aso ang tila pilit na pinoprotektahan ang batang babae na ito na mapunta sa mapanganib na bahagi ng dagat!

Marami sa atin ang nag-aalaga ng mga hayop dahil nais nating magkaroon ng mapaglilibangan. Mayroon din namang iilan na nais ng makakasama o di kaya naman ay makabawas lamang sa nadarama nilang kalungkutan.

Marami nang mga pag-aaral patungkol sa mga mabubuting dulot sa atin ng pagkakaroon ng alagang hayop. Madalas na inaalagaan ng marami sa atin ngayon ay mga aso, pusa, ibon, rabbit, hamster, isda, at marami pang iba.

Nagiging dahilan din naman ito upang mas maging responsable at disiplinado tayo. Kapag kasi ikaw ay nag-alaga na ng hayop, tiyak na kakailanganin mong maglaan ng oras at panahon para rito.

Hindi lamang pagkain, tubig, bitamina, at mga laruan ang kanilang kailangan. Kailangan din ng mga alaga natin ang ating pagkalinga, atensyon, at pagmamahal. At sa oras na naiparamdam natin ito sa kanila, tiyak na ito rin ang isusukli nila sa atin.

Tulad na lamang ng asong ito sa anak ng kaniyang amo. Labis ang pagprotekta nito sa isang batang babae na nakuhanan pa ng video.

Sa tabing dagat ay makikitang masayang masayang nagtatampisaw ang isang batang babae. Kasama niya ay isang Schnauzer dog na ang pangalan ay Yatzi.


Ayon sa may-ari ng aso na si Jacque Langston at ina rin ng bata sa video, noon pa man ay talagang alerto na raw si Yatzi lalo na kapag sa tubig sila naglalaro ng kaniyang anak. Mayroon pa daw isang insidente noon kung saan maliligo dapat ang kaniyang anak sa jacuzzi ngunit nang unti-unti na itong napupuno ng tubig ay tila naalarma si Yatzi dahilan upang kuhanin nito mula sa tubig ang batang babae.

44 kilo ang bigat ni Yatzi ngunit sa kabila nito ay talagang napaka-responsable niya lalo na sa pagbabantay sa anak ng kaniyang amo. Marahil ay labis ang pag-aalala ng aso na mapahamak ang siya kung kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang ginagawang pagprotekta dito.