Isang aso ang matiyagang naghihintay sa paborito niyang “garbage man” linggo linggo!

Madalas na siguro nating marinig ang mga katagang ito, “Dogs are man’s best friend.” Talaga namang marami ang nagpapatunay na ang mga asong ito ay tapat sa kanilang mga amo.

Kamakailan lamang, isang aso ang pumukaw sa atensyon ng publiko. Siya ay nakilala bilang ang aso na si Lily.

Ang kaniyang tagapag-alaga o amo na si Ishaan Chatterjee, ay itinuturing siyang matalik na kaibigan ngunit aminado naman nito na tila marami pang ibang “best friend” ang kaniyang alaga. Likas daw na mabait si Lily noon pa man sabi ng kaniyang amo ngunit hindi lahat nang nakakasalumuha nito ay gusto rin siyang maging kaibigan.

Ngunit nang makilala niya ang isang lalaki na “garbage man” sa kanilang lugar ay talagang nagpakita ito ng labis na kasiyahan. Nagsimula ang pagkakaibigan ni David na isang “sanitation worker” at ni Lily nang minsang batiin niya ito at tapikin nang bahagya ang kaniyang ulo.

Kalaunan ay naging natural na lamang kay Lily ang hintayin ang kaniyang kaibigan na si David sa tuwing kukuha sila ng basura tuwing Biyernes ng umaga sa kanilang lugar. Sa tuwing magkikita ang dalawa ay hahawakan ni David ang ulo ni Lily at kasunod nito ay ang paborito niyang treat.

Labis din naman natuwa si Ishaan nang makita ang pagkakaibigang nabuo ni Lily at David. Ilan sa kanilang mga videos na kuha mismo ni Ishaan ay mayroon nang higit sa 750,000 views habang ang isa naman ay mayroong higit sa dalawang milyong views.
Namangha din si Ishaan kung paanong naging malapit at kampante sa isa’t-isa sina David at Lily. Kalaunan ay napagtanto niyang talagang iba ang naidudulot ng kaibigan sa tao man o sa hayop.

@ishaan_chatterjee This dog 😭 >>>> #dogs #dog #dogsoftiktok #foryou #cute #friday ♬ Love You So – The King Khan & BBQ Show

Dahil ang kabaitang ipinakita ni David sa kaniyang aso ay sinusuklian lang din naman ni Lily ng kabaitan sa tuwing magkikita sila. Talaga namang nakakamangha ng pagkakaibigan ng dalawa.